Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 16
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Tinambangan ng mga armadong lalaki ang isang bus na ikinasawi ng siyam na katao at anim na sugatan sa kanlurang Etiyopiya malapit sa hangganan ng Sudan. (Reuters)
- Sakuna at aksidente
- Iniulat ng Yonhap, isang ahensiya ng tagapag-balita, na sinisikap ng Tanúrang Baybayin ng Republika ng Korea na iligtas ang isang barkong pampasahero na tumaob sa baybayin sa dakong timog-silangan sa Timog Korea, ito ay may lulan na 476-katao, naiulat na apat na pasahero ang nasawi at marami ang nasugatan.Tinatayang 280-katao pa ang nawawala.(AP), (AFP via Nine MSN), " (BBC)
- Pulitika at eleksyon
- Nagbitiw si Barry O'Farrell bilang Premier ng Bagong Timog Gales sa Australya matapos magbigay ng nakakalinlang na mga ebidensya sa Malayang Komisyon Laban sa Katiwalaan ng Bagong Timog Gales. (Sydney Morning Herald)