Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Marso 31
Itsura
- Isang planta ang sumabog sa lalawigan ng Jiangsu sa Tsina na kinitil ang buhay ng pito at sinugatan ang lima pang iba. Ito ang pangalawang pinakanakamamatay sa loob ng isang buwan pagkatapos ng pagsabog ng planta ng kimikal sa Xianshui noong 2019. (Reuters)
- Noong ika-30 kapulungan ng Ligang Arabo na ginaganap sa Tunisia, kinondena ng mga pinuno ang pagkilala ng Estados Unidos sa Kaitasan ng Golan na bahagi ng Israel, at ipinahayag na mahalaga ang pagkatatag ng Estado ng Palestina sa katatagan. (Reuters) (Al Jazeera) (The Washington Post)
- Nanalo sa ikalawang bahagi ng halalang pampangulo ng Slovakia ang kontra-korupsyon na kandidato na si Zuzana Čaputová ng partido Progresibo ng Slovakia na tinalo ang kasalukuyang namamahalang partidong kandidato na si Maroš Šefčovič, sa 58 bahagdan laban sa 42%. Siya ang magiging unang babaeng pinuno ng estado ng bansa. (BBC)