Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Mayo 13
Itsura
- Politika at halalan and elections
- Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2019
- Bumoto ang mga botanteng Pilipino upang ihalal ang mga bagong kasapi ng Senado ng Pilipinas at Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, gayon din ang iba pang puwesto sa lokal na pamahalaan. (The New York Times)
- Isang glitch o depekto ang naganap sa transparancy server ng Komisyon sa Halalan na nagdulot sa pagkaantala ng bahagiang pagpapalabas ng resulta ng halalan. (Philippine Daily Inquirer)
- Pangkalahatang halalan ng Guatemala, 2019
- Tinukoy ng Korteng Pang-konstitusyon na may sagabal sa konstitusyon si Zury Ríos na maging kandidato sa pagkapangulo at napaalis siya sa halalan. Ang kanyang sagabal sa konstitusyon ay ang pagiging anak ng dating diktador na si Efraín Ríos Montt. (Prensa Libre)
- Agham at teknolohiya
- Nagtala ang Amerikanong mangagalugad ng ilalim ng dagat na si Victor Vescovo ng bagong rekord para sa pinakamalalim na pagsisid sa dagat kailanman na umabot sa 10,972 metro (35,997 talampakan) sa Bambang ng Marianas sa Karagatang Pasipiko. May mga ilang kakaibang bagay ang natuklasan sa ilalim, kabilang ang apat na bagong espesye ng mala-hipong krustaseyo, kakatwang maliwanag na makulay na nakalitaw na mga bato at isang plastik na bag. (BBC)
- Kamatayan
- Namatay sa gulang na 97 ang artista at mang-aawit mula sa Estados Unidos na si Doris Day. (CBS News)