Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Disyembre 16
Itsura
Batas at krimen
- Ipinasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ang panukalang batas na nililikha ang Maharlika Investment Fund (MIF, lit. Pondong Pamumuhunang Maharlika), isang soberanong pondong yaman. Naipasa ito sa kabila ng mga puna ng mga ekonomista, dating mga opisyal ng Gabinete, pangkat pangnegosyo at mga organisasyong panlipunang sibil hinggil sa kakulangan sa proteksyon at pagiging malinaw. (BusinessWorld) (Philippine Daily Inquirer)
Politika at halalan
- Resulta ng pangkalahatang halalan ng Fiji, 2022
- Idinetine ng pulis ng Fiji ang pinuno ng oposisyon at dating punong ministro Sitiveni Rabuka para sa interogasyon sa kanyang sinabi na may dayaang nangyari sa kamakailang halalan. (AFP via UrduPoint)
- Namatay sa gulang na 83 ang nagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas na si Jose Maria Sison. (CNN Philippines)