Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2024 Agosto 2
Itsura
Sakuna at aksidente
- Hindi bababa sa 11 ang namatay sa isang sunog sa isang gusaling residensyal-komersyal sa Binondo, Maynila, Pilipinas. (The Star)
Internasyunal na ugnayan
- Halalang pampanguluhan ng Venezuela ng 2024, Ugnayang Arhentina–Venezuela
- Kinilala ng Arhentina si Edmundo González bilang Pangulong-halal ng Venezuela, na naging ikatlong bansa na ginawa ito pagkatapos ng Estados Unidos at Peru. (AFP via Barron's)
Batas at krimen
- Kaguluhan sa Reyno Unido, 2024
- Nangyari ang mga kaguluhan sa Sunderland, Inglatera, Reyno Unido, habang daan-daang makakanan na nagpoprotesta ang sinubok magmartsa sa isang moske at sinagupa ang mga pulis sa sentro ng lungsod. Sinunog ang isang istasyon ng pulis ng mga nanggulo. (BBC News)
- Pagsensura sa Turkiya
- Hinarang ng Turkiya ang pagpasok sa internet ng Instagram, kasunod ng mga kumento na ginawa ng direktor ng komumikasyong Turko na si Fahrettin Altun na kinondena ang Meta Platforms sa pagtanggal ng mga paskil ng Instagram na nag-aalok ng pakikiramay o nagpapahayag ng pighati sa pinaslang na pinunong pampolitika ng Hamas na si Ismail Haniyeh. (Reuters)