Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2024 Hulyo 13
Itsura
Armadong labanan at atake
- Tangkang pagpatay kay Donald Trump
- Nasugatan ang dating Pangulo ng Estados Unidos at kasalukuyang kandidato sa pagkapangulo na si Donald Trump sa isang tangkang pagpatay sa isang pagtipun-tipuning kampanya sa Kondehan ng Butler County, Pennsylvania, Estados Unidos, na naiulat nang maglaon na "mabuti" ang kanyang kalagayan ng isang tagapagsalita. Iniulat ng Abogadong Pangdistrtio ng Kondehan ng Butler na napatay ang suspek sa pagbaril sa kanya at namatay ang isang tagapakinig sa pagbaril ng suspek. (AP) (The Guardian)
Internasyunal na ugnayan
- Ugnayang Australya-Rusya
- Inakusahan ng Rusya ang Australya ng pag-uudyok ng "kontra-Rusong paranoya" pagkatapos kasuhan ng Australya ang mag-asawang Australyanong ipinanganak sa Rusya ng paniniktik. (Reuters)