Wikipedia:Mga padron ng kahong-kabatiran
Ang suleras ng kahon ng kabatiran o infobox template ay isang kahong pangkabatiran o infobox na gumagamit ng software feature na pang-template. Katulad ng isang ordinaryong infobox, layunin rin nito na magbigay ng makabuluhang impormasyong tungkol sa paksang nakatala sa isang lathalain, na hindi kinakailangan ng maraming code para gumana. Isinasaayos rin nito ang mga impormasyon sa isang partikular na paraan upang mapadali ang nabigasyon sa bawat artikulo.
Inilalagay ito sa mga pangunahing lathalaing may parehong paksa at madalas ginagamit sa mga kasalukuyang WikiProject. Mayroon itong mga parameter, isang bagay na binabago upang makuha ang ninanais na sagot (ginagamit ito sa mga eksperimento). Para gumana ito ng mabuti, ang mga impormasyong nakalagay sa parameter ay dapat naaayon sa paksa ng artikulo kapag ilalagay ang template sa pahina nito.
Ayos at gamit
[baguhin ang wikitext]Ang inirerekomendang proseso sa paggawa ng isang infobox ay magsimula sa pagkuha ng bagay na kinakailangan sa talaang gagawin. Pagkatapos makuha ang mga ito, simulan gawin ang template. Iminumungkahi sa lahat na gawin munang ordinaryo ang mga bagong talaan at, kung ito'y inaprubahan, pwede na itong ibahin sa pormang template. Dapat itong pag-aralan ng mabuti bago ilagay sa maraming artikulo upang kakaunti ang aayusin, kung kailangan itong baguhin ulit. Kung may mga paramater na idinagdag sa talaan, dapat baguhin lahat ng mga artikulo upang masustentuhan ang bagong impormasyon.
Karagdagang tuntunin
[baguhin ang wikitext]- Ang lapad ng mga talaan ay hindi dapat lalaki ng 300ng pixel or 25ng ems.
- Inilalagay sa umpisa ng artikulo at nakahanay sa kanan.
- Ang unang linya ng talaan, kung saan nakalagay ang pamagat ng talaan, ay dapat nakabold. Di kailangang magkaparehas ang pamagat ng talaan at ng artikulo. Ang pamagat ay hindi rin dapat naglalaman ng link.
- Pangalanan ang template ng ganito [[Template:Infobox para sa (mga) Halimbawa]].
- Palitan ang "Halimbawa" ng isang paksa, tulad ng [[Template:Infobox para sa mga Presidente]].
Ang mga parameter ay dapat nakasulat sa letra, hindi sa numero, para magamit sa mga darating na araw. Ang mga ito ay pwede ring lagyan ng mga larawan kasama ang mga kodigong panlarawan, tulad ng caption at laki ng larawan. Kapag ang isang litrato ay hindi kailangan o makuha, gamitin ang Image:No image.png.
Kapag walang nakuhang impormasyon na para sa isang parameter, o hindi ito kailangan, pabayaang blanko ang nasabing parameter. Huwag itong tanggalin dahil masisira ang talaan at hindi ito gagana.