Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Paalalang Pangmedikal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

PAKIUSAP NA BASAHING MAIGI ANG NILALAMAN NG PAHINANG ITO BAGO LUMISAN.

Ang Wikipedia ay nagtataglay ng mga artikulong patungkol sa usaping medikal. Gayumpaman, wala itong binibigay na kung ano pa mang garantiya na ang mga artikulo o impormasyong ito ay wasto, tama, at ligtas. Ang karamihan sa mga artikulong ito kadalasan ay naiaakda o pinapatnugutan ng mga hindi propesyunal. Kung ang mga impormasyon man ay tama, maaring ito ay hindi nauukol o akma sa inyong mga sintomas o karamdaman. Ang mga impormasyong medikal sa Wikipedia, sa kaniyang pasukdol na kayarian, ay parang impormasyong pangkalahatan at HINDI ipinapayong gamitin bilang kapalit sa payo ng inyong mga manggagamot, nars, pharmacist at iba pa. Ang Wikipedia ay hindi isang manggagamot.


Wala sa mga patnugot, may akda, isponsor, administrador, sysops, o kahit sino pang may koneksiyon sa Wikipedia, ay/ang, sa ano mang kaparaanan responsable sa paglabas ng mga di naangkop, di wasto o mapanirang puring impormasyon. Wala rin pananagutan ang mga ito sa inyong paggamit ng mga impormasyon o pagtungo sa mga kawing panlabas.


Wala sa Wikipedia.org at mga bahagi ng proyektong ito ng Wikimedia Foundation Inc. ay dapat ituring na nagbibigay, alok o lagak ng opinyong medikal o kung ano pa mang nauukol sa medisina.