Maraming karaniwang pagkakamali ang nagagawa sa mga balangkas. Ito ang ilan sa mga dapat pag-ingatan:
Pagsusulat sa iyong sarili o sa ibang tao/bagay na malapit sa iyo Kahit pa ito tungkol sa iyong sarili, kamag-anak, katrabaho o pinagtratrabahuan mo, kaibigan, kasosyo/tagapagturo sa negosyo, sinisikap na pigilin ang pagsusulat tungkol sa mga paksang (at taong) malapit sa iyo dahil maaring hindi niyutral ang lilikhain mong artikulo.
Pag-copy paste ng materyal Kailangang isulat mo ang artikulo sa iyong sariling salita, at kung hindi, maaring mabura ito.
Hindi pagbibigay ng sanggunian Mabubura ang mga artikulong walang malayang maaasahang sanggunian.
Sobrang promosyunal na mga pananalita Maganda sa pandinig ang mga katawagan tulad ng "nangungunang eksperto" at "matagumpay na teknolohiya" kapag may promosyon ang isang produkto, subalit hindi ito kasali sa Wikipedia. Hayaan ang mga patunay magsalita sa kanilang sarili.