Wikipedia:Sampung taon ng Wikipediang Tagalog/Talaang pampanauhin
Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng pagkatatag ng Wikipediang Tagalog, may pagkakataon kayong ipamahagi sa buong mundo ang inyong mga karanasan sa paggamit ng Wikipedia sa loob ng nakaraang sampung taon, o magpahayag ng inyong mga pagbati sa proyekto. Tandaan na hindi gawa ng mga robot ang Wikipedia, kundi gawa ito ng mga sari-saring mga kusang-loob na naglaan ng kanilang oras, kaalaman at kayamanan sa pagpapaunlad ng proyektong ito para sa inyo, at inaasahan po namin na isasaalang-alang niyo po ito sa pag-iwan niyo ng inyong mga komento. Dahil isa itong masayang okasyon para sa buong pamayanan, sana po na makikisama rin ang inyong mga komento rito, at maaari niyong repasuhin ang inyong mga komento bago niyo itong itala sa talaang pampanauhin (guestbook).
Sa kasalukuyan, maaari kayong mag-iwan nito sa isang natatanging pahina sa Wikipedia. Kung nais niyo ring subukan ang pamamatnugot o pag-aambag sa Wikipedia, maaari niyong gawin ito sa panahong iyon. Maaari rin kayong mag-iwan ng inyong mga pagbati sa Facebook.
Mag-iiwan ako ng mensahe sa Wikipedia Mag-iiwan ako ng mensahe sa Facebook