Wikipedia:Pagkamagalang
Ang nilalaman ng pahinang ito ay opisyal na patakaran sa Wikipedia. May malawak itong pagtanggap sa pagitan ng mga tagapatnugot at kinikilala bilang isang pamantayan na nararapat sundin ng lahat. Maliban sa maliliit na pagbabago, maaaring gamitin ang pahinang usapan upang magmungkahi ng mga pagbabago sa patakarang ito. |
Ang pahinang ito sa maikling salita:
|
Ang pagkamagalang ay bahagi ng kodigo ng asal ng Wikipedia at isa sa mga limang haligi nito. Nilalarawan ng polisiyang sibilidad o pagkamagalang ang mga pamantayang inaasahan sa mga tagagamit at nagbibigay ng angkop na mga paraan ng pagharap sa mga suliranin kapag lumitaw ito. Sa madaling salita, dapat laging itrato ng mga patnugot ang bawat isa na may konsiderasyon at respeto. Dapat nilang ituon ang pagpapabuti ng ensiklopedya habang pinapanatili ang isang kaaya-ayang kapaligiran sa pagpapatnugot sa pamamagitan ng magalang na pag-uugali, kalmado at makatwiran, kahit sa mainit na pagtatalo.
Inaasahan ang pagkamagalang sa Wikipedia sa lahat ng patnugot sa lahat ng interaksyon sa Wikipedia, kabilang ang mga pag-uusap sa mga usapang pahina ng tagagamit o artikulo, sa mga buod ng binago at sa kahit anumang ibang diskusyon sa o tungkol sa kapwa Wikipedista.
Kooperasyon at sibilidad
Hindi maiiwasan ang mga pagkakaiba ng opinyon sa isang nagtutulungang proyekto. Kapag pinag-uusapan ang mga pagkakaibang ito, may ilang mga patnugot ang tila na magaspang na hindi naman kinakailangan, habang simpleng sinusubok na maging pranka. May ibang patnugot na tila lubhang sensitibo sa kanilang pananaw na hinahamon. Ang walang-mukhang nakasulat na salita sa mga pahinang usapan at sa buod ng mga binago ay hindi buong nahahatid ang mga banayad na pagkakaiba ng pag-uusap na pasalita, na nagdudulot minsan ng maling pagkaunawa sa mga kumento ng isang patnugot. Maaring umakyat ang di-sibil na puna mula sa masigasig na diskusyon tungo sa isang personal na argumento na hindi na obhetibong nakatuon sa nakaharap na problema. Sinasayang ng mga ganitong palitan ang ating pagsisikap at pinahinina ang isang positibo, at produktibong kapaligiran sa paggawa. Lutasin ang mga pagkakaiba ng opinyon sa pamamagitan sibil na diskusyon; tumutol na hindi mainit ang ulo. Dapat na limitado ang usapan ng ibang mga patnugot sa magalang na diskurso tungkol sa kanilang mga aksyon.
Inaasahan ang mga patnugot na matulungin nang may katuwiran, upang maiwasang makagawa ng personal na mga atake, upang gumawa sa loob ng saklaw ng mga patakaran, at tumugon sa mga tanong na may katapatan ang intensyon. Subukan na ituring ang kapwa patnugot bilang ginagalang na kasamahan na pareho kayong nagtratrabaho para sa isang proyekto. Batiin ng malugod ang kapwa mong patnugot at maging matiyaga lalo na sa mga baguhan na nag-aambag upang makatulong, subalit magalang na pigilin ang mga hindi nakakatulong na baguhan.