Wikipedia:Tungkol sa sanayan
Isa itong pahinang pang-impormasyon. Hindi ito isa sa mga patakaran o gabay sa Wikipedia, sa halip, nilalayon nito na isalarawan ang ilang (mga) aspeto ng mga pamantayan, kaugalian, teknakalidad, o kasanayan. Maaring sinasalamin nito ang iba't ibang antas ng konsenso at maingat na pagsusuri. |
Hindi ito isang sanayan. Hindi dapat ito ginagamit para sa pagsubok ng pag-e-edit o pamamatnugot. Para sumubok, pakigamit ang pampamayanang sanayan sa Wikipedia, o ang iyong sariling burador. |
Ang mga sanayan, tulad ng burador ng tagagamit o ang mas madalas na baguhin na Wikipedia:Sanayan, ay mga pahinang dinisenyo para sa pagsubok at pag-e-eksperimento sa wiki syntax at sa VisualEditor.
Nilikha ang mga ito bilang isang lugar na may mas kaunting patakaran at polisiya kaysa sa ibang mga pahina sa Wikipedia. Halimbawa, hindi mo kailangang sundin ang Manwal ng Istilo o abutin ang konsenso ng pamayanan bago makalikha ng isang malaking pagbabago. Bagaman, hindi dapat gamitin ito para sa malisosyong layunin, at pinapatupad pa rin ang mga polisiya tulad ng walang personal na atake, pagkamagalang, at karapatang-ari (tulad ng pamantayan sa di-malayang nilalaman).
Kung mayroon kang akawnt, maari kang lumikha ng sarili mong sanayan o burador sa iyong pahina ng tagagamit. Mahahanap mo ang iyong sariling burador sa dito. Kung wala kang akawnt, maari kang lumikha ng burador mo dito. (At kung wala pa iyon, malaya kang likhain ito!) Para sa madaling pagpunta sa burador, may link na nakalagay ang pangalang "burador" sa kanang itaas. Kung hindi mo makita ang link (dahil sa bagong interface na Vector 2022), pindutin lamang ang parang tao na imahe o icon at makikita mo ang link doon.