Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Version 1.0 Editorial Team/Assessment/B-Class criteria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

 B 
  1. Dapat may tamang sanggunian ang bawat artikulo, kasama ang sumusunod na talababa kapag kinakailangan.
    Mayroon dapat itong tama at kinikilalang sanggunian, at dapat isangguni ang ibang importante o kontrobersiyal na bagay kung ito ay kinakailangang subukan. Hindi na kinakailangan ang paggamit ng <ref> tag o mag suleras na panangguni tulad ng {{cite web}}.
  2. Dapat sinasakop ng artikulo ang puno ng paksa, at hindi dapat maglaman ng ibang hindi kabilang sa artikulo o may mga maling impormasyon.
    Dapat naglalaman ito ng malakihang proporsyon ng bagay na kinakailangan para sa isang artikulong may A na antas, kahit na kinakailangang palawigin ang ilang seksiyon, at may nawawalang impormasyon na hindi na medyo kailangan.
  3. Dapat mayroong eksaktong estruktura ang isang artikulo.
    Dapat nakaayos ang nilalanam sa pangkat ng mahahalagang bagay, kasama na rito ang pangunahing seksiyon at lahat ng mga seksiyon na dapat isama sa isang artikulo..
  4. Dapat maayos na naisulat ang isang artikulo.
    Hindi dapat maglaman ng kamalian sa gramatika ang isang artikulo at nasa maayos na takbo, subalit hindi naman kinakailangan ang isang "katumpakan". Hindi kinakailangang sundin parati ang Manwal ng Istilo.
  5. Dapat maglaman ng sumusuportang bagay ang isang artikulo na kung saan nababagay.
    Ikinakatuwa ang paglalagay ng mga ilustrasyon, kahit na hindi ito gaanong kinakailangan. Dapat may mga diyagramo at infobox dahil ito ay nagagamit sa nilalaman ng artikulo.
  6. Dapat ipakita ang isang artikulo sa kaparaanang nauunawaan ng mambabasa ang nilalaman nito.
    Kinakailangang nakasulat ang bawat artikulo na mauunawaan ng mambabasae. Kahit na ang Wikipedia ay higit pa sa isang pangkalahatang ensiklopedya, hindi dapat maglaman ang bawat artikulo ng mga teknikal na salita na wala namang kinalaman sa paksa o artikulo at kung kinakailangan, dapat maipaliwanag ang mga bawat teknikal na salita sa maliwanang na kaparaanan.