Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:VisualEditor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sinisikap ng Pundasyong Wikimedia na padaliin ang paraan ng pamamatnugot sa Wikipedia, at isa sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatakbo ng VisualEditor (VE), isang makabagong paraan ng pamamatnugot sa Wikipedia at ibang mga websayt na gumagamit ng MediaWiki nang hindi kailangang alamin ang paggamit ng wikisintaksis (wikisyntax o wiki markup). Gamit ang VisualEditor, maaaring patnugutan ang Wikipedia habang sabay na makikita ng patnugot ang magiging huling anyo nito sa Wikipedia, tulad ng paggamit ng isang prosesor ng teksto (word processor).

Sa kasalukuyan, opsiyonal ang paggamit ng VisualEditor, at maaaring piliin ng mga patnugot ng Wikipediang Tagalog na deretsahang mamatnugot gamit ang wikisintaksis. Nananatili at mananatiling opsiyon ang deretsahang pamamatnugot gamit ang wikisintaksis; walang plano kailanman ang Pundasyong Wikimedia na tanggalin ito. Maaaring piliin ang dalawang opsiyon sa pamamatnugot sa toolbar na nasa ibabaw ng bawa't artikulo at pahinang usapan.

Tungkol sa VisualEditor

Isang makabago at "bisuwal" na paraan ng pamamatnugot sa Wikipedia ang VisualEditor, at sinisikap nito na pahintulutan ang karaniwang tao na umambag sa Wikipedia nang hindi kailangang pag-aralan ang wikisintaksis. Una itong inilabas bilang isang opsiyonal na palabas na "alpha" ("alpha" release") sa Wikipediang Ingles simula noong Disyembre 2012, sa 16 ibang wika simula Abril 2013, at sa halos lahat ng ibang wika, kasama ang Tagalog, simula noong unang bahagi ng Hunyo 2013. Sinisikap ng koponan ng VisualEditor na ipapalabas ito sa halos lahat ng Wikipedia sa huling bahagi ng Hulyo, kung saan maaaring gamitin ito ng lahat ng tagagamit nang hindi kailangang sumang-ayon.

Isang bidyo sa Ingles na nagpapaliwanag tungkol sa bersiyong "alpha" ng VisualEditor ng Wikipedia (may subtitulo sa Tagalog)
Presentasyon sa Wikimania 2013: VisualEditor - The present and future of editing our wikis (VisualEditor - Ang kasalukuyan at kinabukasan ng pamamatnugot sa ating mga wiki; nasa Ingles)

Sa kasalukuyan, mataas pa rin ang bilang ng mga kamalian (bugs) ng VisualEditor. Kahit kung hindi maiiwasan ang ilang mga kamalian, hindi katanggap-tanggap ang kasalukuyang antas nito, at sinisikap ng mga tagapagpaunlad (developer) na tanggalin ang lahat ng mga kamaliang ito sa pinakamadaling panahon. May ilan pang mga makabagong katangian ang hindi pa nagagawan. Kung may natuklasan kang isyu tungkol sa VisualEditor, maaaring iulat ito sa pahina ng komentaryo.

Mga limitasyon ng VisualEditor

Ilan sa mga limitasyon ng VisualEditor ang sumusunod:

  • Mabagal – Mas matagal ang pagkarga (loading) ng mga mahahabang artikulo gamit ang VisualEditor kaysa sa lumang editor ng wikisintaksis. Lalo na sa mga malalaking artikulo, asahang tatagal ng 15 segundo o higit pa ang pagkarga nito gamit ng VisualEditor. May kaugnayan din ang bilis ng VisualEditor sa bilis ng inyong kompyuter.
  • Limitado ang suporta para sa mga pambasa-basa (browser) – Kasalukuyang sinusuportahan lamang ng VisualEditor ang mga pinakamodernong bersiyon (mga bersiyong ipinalabas sa huling tatlong taon) ng Chrome/Chromium, Firefox/Iceweasel, Internet Explorer 10 (o mahigit), Safari, Opera, Midori, Qupzilla, SeaMonkey at WebPositive (na bumubuo ng halos 93% ng lahat ng tagagamit). Hindi pa gumagana ang VisualEditor sa Internet Explorer 9, at hindi kailanman itong gagana sa Android 2.3 o Internet Explorer 8 at pababa.
  • Kailangang baguhin ang buong pahina – Hindi pa kaya ng VisualEditor ang seksiyunang pamamatnugot sa mga artikulo, at kinakarga at itinatala ng VisualEditor ang mga buong pahina lamang.
  • Maaari lamang baguhin ang mga parametro ng padron gamit ang wikisintaksis – Pinapahintulutan ka ng VisualEditor na baguhin ang mga parametro sa pagsasali (transklusyon) ng mga padron, ngunit bilang wikisintaksis lamang (kaya "[[Foo]]" o kaya mga padrong pinugaran (nested templates) tulad ng "{{Foo|{{Bar}}}}", hindi ang "Foo" o "{{Foo|{{Bar}}}}").
  • Para sa mga artikulo at pahinang pantagagamit lamang – Sa ngayon, maaari lamang gamitin ang VisualEditor sa ngalan-espasyong (userspace) pangunahin at pantagagamit. Pinapagana ang VisualEditor sa ngalan-espasyong pantagagamit upang makapagsanay ang mga tagagamit sa VisualEditor gamit ang kanilang pahinang burador. Sa mahabang panahon, inaasahang mailalakip sa VisualEditor ang mga natatanging kagamitang kinakailangan upang baguhin ang mga pahinang 'di-artikulo, ngunit sa ngayon nakatuon muna ang koponan ng mga tagapagpaunlad sa paggana ng VisualEditor para sa mga artikulo.

Dahil sa mga limitasyong ito at dahil sa mataas na bilang ng mga kamalian sa VisualEditor, pinapayuhan ng mga tagapagpaunlad ang mga tagagamit ng VisualEditor na i-klik ang "Repasuhin ang iyong pagbabago" ("Review your changes") bago magtala ng pahina, at iulat ang anumang mga problemang kanilang matuklasan.

Mga kawing panlabas