Windows 10

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Windows 10 ay isang operating system ng Microsoft bilang bahagi ng pamilya ng Windows NT na mga operating system. Pinasinayan ito noong Setyembre 30, 2014 at inilabas sa publiko noong Hulyo 29, 2015.[1]

Nakilala muna sa Abril 2014 sa Build Conference, ang layunin ng Windows 10 ay tugunan ang mga pagkukulang sa user interface na ipinakilala ng Windows 8 sa pagpapabuti ng karanasan ng tagagamit ng mga device na hindi touchscreen (katulad ng desktop o laptop), kabilang din dito ang isang bagong hitsura ng Start Menu na nakikita sa Windows 7, isang sistema ng virtual desktop, at ang kakayahan upang patakbuhin ang mga app sa Windows Store sa desktop pati na rin sa full-screen mode. Ang Windows 10 ay magagamit para sa mga desktop at laptop, at ipinahayag na gagamitin ito sa mga tablet, smartphone, iba pang mga naka-embed na Windows at pati na rin ang Xbox One.

Ilan sa mga pangunahing tampok ng Windows 10 ay mas mahigpit na seguridad ng sistema, awtomatikong pagsiksik ng mga system files, at pagkakaroon ng bagong pangunahing browser, ang Microsoft Edge. Ito rin ay magandang opsyon sa mga manlalaro ng larong bidyo sa bilis ng sistema at dali ng pagbahagi sa pamamagitan ng pagrecord ng screen o pagkuha ng litrato.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]