Wolfgang Amadeus Mozart
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Agosto 2024)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Wolfgang Amadeus Mozart | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Enero 1756[1]
|
Kamatayan | 5 Disyembre 1791[2]
|
Mamamayan | Banal na Imperyong Romano |
Trabaho | kompositor,[3] music educator, piyanista, musiko, organista |
Pirma | |
Si Wolfgang Amadeus Mozart (IPA: ˈvɔlfgaŋ amaˈdeus ˈmoːtsart) (Enero 27, 1756 – Disyembre 5, 1791), na isinilang sa Salzburg, Austria, ay isa sa mga mahahalaga at maimpluwensyang kompositor ng Kanluraning Musikang Klasiko. Isa siya sa mga itinuturing na pinakamahusay at pinakakilalang kompositor na nabuhay. Ang kaniyang mga komposisyong umabot sa mahigit-kumulang animnaraang (600) mga piyesa ay itinuturing na pamantayan ng mga aspetong musikal tulad ng sinfonia, concerto, tugtuging pangkamara, piyano, musikang operatiko at pangkoro. Ang mga ito ay pumukaw sa henerasyon ng mga kompositor noong ika-18 siglo. Malaking bilang ng mga pangunahing gawa ni Mozart ay nananatiling tanyag sa mga tagapakinig at naging pamantayan na sa larangan ng musika hanggang ngayon.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamilya at kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga magulang ni Mozart ay sina Leopold at Anna Maria Pertl Mozart sa Getreidegasse 9 sa Salzburg,[4] ang kabisera ng Arsobispo ng Salzburg, na kilala ngayon bilang Austria. Siya ay may anim na kapatid ngunit isa lamang ang nakaligtas sa pagsilang, ang kanyang kapatid na si Maria Anna, na tinatawag na "Nannerl". Nabinyagan si Wolfgang isang araw pagkatapos ng kanyang kapanganakan sa St. Rupert's Cathedral. Ang kanyang buong pangalan sa Latin ay Joannes Chrysostomus Wolfgangus Theophilus Mozart.
Ang kanyang ama ay isang deputadong Kapellmeister sa korte orkestra ng Arsobispo ng Salzburg at kompositor. Isa rin siyang dalubhasang guro, sa taon ng kaarawan ni Mozart ay naglathala siya ng isang sikat na libro para sa biyolin, ang "Versuch einer gründlichen Violinschule".
Noong pitong taong gulang si Nannerl, tinuruan siya ni Leopold na tumugtog ng keyboard. Ang tatlong taong gulang na si Mozart ay nanonood at namamangha. Si Wolfgang ay umibig sa pagtugtog ng keyboard at sa edad na apat ay napakahusay niyang tumugtog ng clavier. Sa edad na limang taong gulang, siya ay bumubuo na ng mga maiikling komposisyon, at ang mga ito ay naitala ng kanyang ama. Ilan sa mga ito ay ang Andante (K. 1a) at Allegro sa C (K. 1b).
Kahit na si Leopold ay mahusay at nakatuon bilang isang guro sa kanyang mga anak, si Wolfgang ay naudyukan na matuto nang higit pa kaysa sa itinuturo ng kanyang ama.[6] Ang paglika ng kanyang unang komposisyon at kakayahang tumugtog ng biyolin ay dahil sa sariling pagsisikap ni Wolfgang at ito ay lubhang ikinagulat ni Leopold, kung saan ang ama'y napaiyak sa mga pangyayaring ito. Tumigil si Leopold sa paggawa ng kanyang mga sariling komposisyon nang mapagtanto niya ang kakaibang talento sa musika ng kanyang anak. Si Leopold ang nag-iisang guro ni Wolfgang sa kanyang kabataan. Tinuruan din ni Leopold ang mga bata ng iba't ibang wika at akademya maliban sa musika.
1762-1773: Panahon ng Paglalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong kabataan ni Mozart ay lumibot ang kanyang pamilya sa iilang lakbayin sa Europa kung saan pinakita nila ang kanilang mga anak bilang kakaiba ang kagalingan. Ang unang eksibisyon ay noong 1762 sa Korte ng Elektor ng Bavaria sa Munich, at sa parehong tao sa Imperiyal na Korte ng Vienna at Prague. Sumunod ang isang mahabang lakbay-konserto sa loob ng tatlo at kalahating taon sa mga korte ng Munich, Mannheim, Paris, London, sa Hague, Zurich, Donaueschingen at iba pa. Sa panahong ito nakilala ni Mozart ang ilang magagaling na mga musikero at natuklasan ang mga likha ng iba pang mga kompositor. Isa dito na naging malaking impluwensiya kay Mozart ay si Johann Christian Bach, na nakilala ni Mozart sa London noong 1764-65. Sa Vienna noong 1767-68 ay nakakuha si Mozart ng sakit na smallpox, at ang kanyang ama ay hindi pumayag na bakunahan siya sa paniniwalang nasa pasya ng Panginoon kung mabubuhay pa o hindi ang anak niya.
Makalipas ang isang taon ay pumunta sila sa Italya ng kanyang ama, at naiwan ang kanyang ina at kapatid sa bahay. Nakilala ni Mozart si G.B. Martini sa Bologna, at natanggap bilang kasapi ng sikat na Accademia Filarmonica. Sa Roma ay narinig nya ng isang beses ang Miserere ni Gregorio Allegri sa Sistine Chapel, at matapos ay isinulat ito nang buo mula lamang sa kanyang alaala, bumabalik lamang siya para itama ang kaunting maliit na pagkakamali mula sa musika. Ito ang unang ilegal na kopya na mahigpit na binabantayang pagmamay-ari ng Vatican.
Sa Milan, isinulat ni Mozart ang opera Mitridate Re di Ponto (1770) at itinanghal ito nang matagumpay. Dahil dito ay sumunod pa ang madaming trabaho, at bumalik si Wolfgang at Leopold ng dalawang beses mula Salzburg patungo Milan para sa komposisyon at pagtanghal ng Ascanio in Alba (1771) at Lucio Silla (1772).
Sa dulo ng paglalakbay ni Mozart sa Italya ay isinulat niya ang una sa kanyang mga nilikha na madalas pa ring tinutugtog ngayon, ang solo cantata na Exsultate, jubilate, K. 165.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://data.matricula-online.eu/de/oesterreich/salzburg/salzburg-dompfarre/TFBIX%252F2/?pg=8.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 http://www.oxfordreference.com/view/10.1093/oi/authority.20110803100213606.
- ↑ https://cs.isabart.org/person/5188; hinango: 1 Abril 2021.
- ↑ Arnold, Rosemarie; Taylor, Robert; Eisenschmid, Rainer (2009). Austria. Baedeker. ISBN 978-3-8297-6613-5. OCLC 416424772.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Solomon 1995, p. 44.
- ↑ Solomon 1995, pp. 39–40
Mga pinagkuhaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Solomon, Maynard (1995). Mozart: A Life (ika-1st (na) edisyon). New York City: HarperCollins. ISBN 978-0-06-019046-0. OCLC 31435799.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Articles with hAudio microformats
- Ipinanganak noong 1756
- Namatay noong 1791
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with NLR identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with KULTURNAV identifiers
- Articles with RKDartists identifiers
- Articles with TePapa identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with BMLO identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Mga kompositor mula sa Austria