Pumunta sa nilalaman

Work through

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa sikoterapiyang sikodinamiko, ang work through[1] o working through (literal na "pagtatrabaho/pagpapatakbo na dumaraan/pinadaraan sa [isang bagay o isang kalagayan]) ay isang proseso ng pag-uulit, pagpapalawig o pagpapalawak, at pagpapalakas ng mga interpretasyon o pagpapaunawa. Pininiwalaan na ang ganitong proseso ay mahalaga papunta sa tagumpay ng terapiya o pagbibigay ng lunas.[2] Ang diwa o konsepto ay ipinakilala ni Sigmund Freud noong 1914,[3] at nagkaroon ng higit na malaking kahalagahan sa sikoanalisis, bilang kabaligtaran ng kamadalian ng abreaction.[4] Tinatawag din ito bilang isang proseso sa terapiyang dinamiko upang makilala ang mga gusot o suliranin na intrapsychic (intrasikiko) at paggamot o paglutas sa mga ito.[1]

Isa itong pagpapadaan sa isang proseso ng pag-unawa o pag-intindi at pagtanggap sa isang masakit o mahirap na kalagayan. Isa itong pagharap sa isang bagay katulad ng isang problema o malakas na damdamin sa pamamagitan ng pag-isip at pagtalakay nito.[5] Isa itong paglutas ng isang suliranin, partikular na ng isang pangdamdamin o pang-emosyon, sa pamamagitan ng pag-iisip dito nang paulit-ulit at nang sa gayon ay mabawasan ang kasidhian o katindihan nito sa pamamagitan ng pagkakamit ng maliwanag na kabatiran o pag-unawa o sa pamamagitan ng pagiging pagkayamot rito.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.
  2. Sundberg, Norman (2001). Clinical Psychology: Evolving Theory, Practice, and Research. Englewood Cliffs: Prentice Hall. ISBN 0-13-087119-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sigmund Freud, On Metapsychology (PFL 11) p. 288
  4. Otto Fenichel, The Psychoanalytic Theory of Neurosis (1946) p. 572
  5. work through, MacMillan Dictionary. Kahulugan: work through - to deal with something such as a problem or a strong feeling by thinking and talking about it.
  6. work through vb 1. (Psychology) psychol (tr, adverb) to resolve (a problem, esp an emotional one), by thinking about it repeatedly and hence lessening its intensity either by gaining insight or by becoming bored by it, The Free Dictionary by Farlex.