Pumunta sa nilalaman

Yandere Simulator

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yandere Simulator
NaglathalaYandereDev
Nag-imprentaYandereDev
DirektorYandereDev
SumulatYandereDev
EngineUnity
PlatapormaMicrosoft Windows
DyanraStealth
ModeSingle-player

Ang Yandere Simulator ay isang stealth video game para sa kompyuter na ginagawa ni YandereDev, na siyang nakagawa ng mga naunag bersyong pang-debubug ng laro na maaring makuha mula sa opisyal na websayt nito.[1][2] Ang laro ay ukol sa isang selosang magaaral na babae na nagngangalaang Ayano Aishi, na may palayaw na Yandere-chan mula sa salitang Hapones na "yandere", na nagpadesiduhang tanggalin ang sinumang pinaniniwalahan niyang ipinagsasarili ang atensyon ng kanyang crush.[3]

Ang manlalaro ay kokontrolin si Yandere-chan, isang Haponesang mag-aaral na nahulog ang loob sa isang kaklase na kasalukuyang may pangalan nad Taro Yamada, na may palayaw na "Senpai".[4] Mayroon limang araw ang manlalaro na tanggalin ang sinumang babae na sa tingin ni Yandere-chan na hadlang sa kanya na magsabi ng kanyang pagmamahal kay Senpai. Maari itong magawa ng manlalaro sa iba't ibang paraan tulad ng pagpatay sa naturang tao, pagdukot sa kanila, o siraan ang kanilang reputasyon sa puntong magpakamatay sila. Kung pinili ng manlalaro na pumatay ng isang tao, kailangan nilang linisin ang anumang ebidensya (tulad ng kagamitang ginamit sa pagpatay ang ang duguang damit suot ng karakter ng manlalaro) at/o iligpit ang katawan sa sunugan o sa basurahan na matatagpuan sa loob ng paaralan, at linisin ang dugo kung hindi ang krimen ay maaring maugnay kay Yandere-chan at siya ay makukulong. Kailangan rin matiyak ng manlalaro na ang kanilang mga krimen ay hindi masaksihan ni Senpai, na ikakatalo nila. Ang mga ganapan ng laro ay ang kampus ng paaralan, isang bayan, at ang bahay ng bida ng laro lamang. Kailangang bigyang pansin din ng manlalaro ang ilang mga bagay sa laro tulad ng antas ng katinuan at reputasyon ni Yandere-chan. Kung masyadong mababa ang isa lamang sa ito, maaring ito makaapekto sa laro. Maari ring palitan ng malalaro ang panty ni Yandere-chan, at ang bawat panti ay maaring bumigay ng kakayanan tulad ng mga bonus habang nagchichismis o pumupuri, mas kakaunting dugo o antas ng paningin ng ibang mga magaaral.

Sinabi din ni YandereDev na ang panghuling bersyon ng laro ay magkakaroon ng maraming wakas.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Vincent, Brittany. "VIDEO: "Yandere Simulator" Puts The Crazy In Your Hands". CrunchyRoll. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-18. Nakuha noong Hunyo 1 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. Makedonski, Brett. "YouTube bans Yandere Simulator anime panty shots, commenters are pissed". Destructoid. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-10. Nakuha noong Hunyo 1 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. Ashcraft, Brian. "The Schoolgirl Sim In Which You Kill People". Kotaku. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-26. Nakuha noong Hunyo 1 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. Priestman, Chris. "Learn How To Get Away With Murder In Yandere Simulator". Siliconera. Nakuha noong Hunyo 1 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  5. "About/FAQ". YandereDev. Nakuha noong Hunyo 1, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]