Pumunta sa nilalaman

Sabak ng Yarlung Zangbo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Yarlung Tsangpo)

Ang Malawak ng Sabak ng Yarlung Zangbo, Malaking Sabak ng Yarlung Zangbu, o Sabak ng Tsangpo ay isang malalim na mahabang sabak o kanyon sa Tsina. Nagmumula ang Ilog ng Yarlung Tsangpo, karaniwang tinatawag na "Zangbo" o "Tsangpo" lamang at nangangahulugang "mandadalisay" o "tagapagdalisay", sa Bundok ng Kailash at tumatakbong pasilangan ng may mga 1700 kilometro ang nagpapatulo sa maliit na hilagaing bahagi ng Himalaya bago ito pumasok sa sabak na malapit sa Pe ng Tibet. Mayroong habang 150 mga milya ang sabak sa pagbaluktot nito sa paligid ng Bundok ng Namcha Barwa (7,756 mga metro) at humahati sa daan patungo sa silanganing sakop ng Himalaya. Bumabagsak ang mga tubig nito mula 3,000 metro malapit sa Pe magpahanggang mga 300 metro sa wakas ng sabak. Pagkaraan ng lagusang ito, pumapasok ang ilog sa Arunachal Pradesh ng Indiya, at nagiging ang Brahmaputra pagdaka.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Yang Qinye and Zheng Du. Tibetan Geography. China Intercontinental Press. pp. 30–31. ISBN 7508506650. {{cite book}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  2. Zheng Du, Zhang Qingsong, Wu Shaohong: Mountain Geoecology and Sustainable Development of the Tibetan Plateau (Kluwer 2000), ISBN 0-7923-6688-3, p. 312;

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.