Pumunta sa nilalaman

Oo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Yes sir)
Tumuturo papunta rito ang "po". Para sa "Po" na sagisag ng elementong Polonyo, pumunta sa Polonyo (elemento).

Ang oo (Ingles: yes) ay isang salitang pang-abay na gumaganap o ginagamit bilang mga pamantayang sagot o tugon ng pagsang-ayon. Katumbas din ito ng opo at oho.[1][2] Nangangahulugan din ito ng talaga, siya nga, at siyanga.[3][4][2] Sa katunayan, pinagsamang oo at po ang opo, na nagmula sa pariralang "Oo po". Ginagamit ang opo upang magbigay ng galang sa mga nakatatanda, mga nakataas o may katungkulang mga tao, at maging para sa mga hindi kilalang tao. Higit na mas pormal at mas magalang ang opo kung ihahambing sa oho.[2] Pinagsamang oo at ho ang oho. Nagpapahiwatig ang oho ng pagiging kakilala na o malapit na ng nagsasalita sa isang taong kausap. Kapag isinalin sa Ingles, katumbas ng opo (pormal) at oho (hindi gaanong pormal) ang mga pariralang "Yes, sir" (kapag lalaki ang kausap) at "Yes, madam" (kung babae ang kausap), sapagkat ang po at ho ay katumbas ng madam (ginang) o sir (ginoo) ng Ingles. Sa salitang oo nagmula ang magpaoo at paoohan na may ibig sabihing sumang-ayon sa isang bagay o magbigay ng pahintulot. Samantalang nangangahulugan ang mamupo o pupuin bilang pagpapakita o magpakita ng paggalang habang nakikipag-usap sa o kapag sumasagot o tumugon sa mga matatanda o taong may katungkulan at pagpapakita ng pagkakaiba ng antas sa lipunan, sa pamamamagitan ng paggamit o pagdaragdag ng salitang po.[1][2] Sa ilang pagkakataon, kaugnay din ito ng panghalip na kayo (o kayó),[2] na katumbas ng you sa Ingles at pangmaramihan ng salitang ikaw (you rin ang katumbas sa Ingles), at ginagamit sa pakikipag-usap sa iisang tao habang nagpapakita ng paggalang.[1] Halimbawa ng paggamit ang pariralang "oposumasangayonpoako

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Oo, opo, oho, kayó". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 324, 948, 949, 1059, 1060.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Blake, Matthew (2008). "Yes, yea, ay(e), oo, oho, opo, kayó". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gaboy, Luciano L. Yes, oo, opo, oho, talaga, siya nga - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Yes, oo, oho, opo". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 195.