Pumunta sa nilalaman

Pang-alaalang Bantayog ng Yolanda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Yolanda Memorial Monument)
Pang-alaalang Bantayog ng Yolanda
KinaroroonanSagkahan, Tacloban, Leyte
UriPlake
MateryalBakal
Pinasinayaan noongNobyembre 8, 2015
Inihandog kayPara sa mga nasawi sa Super Bagyong Yolanda

Ang Pang-alaalang Bantayog ng Yolanda o mas kilala sa katawagang Ingles na Yolanda Memorial Monument ay isang bantayog sa Sagkahan, Lungsod ng Tacloban, Pilipinas na itinayo para alalahanin ang mga biktima ng Super Bagyong Yolanda, na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas. Unang binuksan sa publiko ang bantayog noong Nobyembre 8, 2015, ang ikalawang anibersaryo ng pagsalanta ng bagyong Yolanda.[1] Kasama itong binuksan ng Liwasang Barkong Eva Jocelyn (o Dambanang Yolanda),[1] isang monumentong barko itinayo din para sa mga biktima ng Yolanda.

Dito madalas ganapin ang mga aktibidad ng pag-alaala sa mga namatay sa bagyong Yolanda tulad ng programang pang-alaala at misa.[2][3] Gayundin, pumupunta dito ang mga kaanak ng mga naging biktima para alalahanin sila. Bukod dun, naging isang panturistang lugar ito.[4]

Lokasyon at deskripsyon ng istraktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang Pang-alaalang Bantayog ng Yolanda sa distrito ng Sagkahan sa tabi ng Astrodome na dating tinatawag na Tacloban Convention Center (Sentrong Kumbensyon ng Tacloban). Ang Astrodome (o Astrodomo) ay naging kanlungan ng mga 8,000 nasalanta ng Super Bagyong Yolanda at nakaligtas lahat ang mga narito noong panahong iyon.

Ang aktuwal na bantayog ay isang plake na binubuo ng mga mahabang piraso ng bakal na paikot-ikot na pinatong ang bawat isa at tila hugis bote kapag tiningnan ng kabuuan. Nakausli ang bakal sa taas nito at makikita sa loob ang hugis globo na istraktura na yari din sa piraso ng mga bakal na pinagdugtong-dugtong. Pinapalibutan ang plake ng mga lilok na kinakatawan ang pamayanang tumulong sa pagbangon mula sa pagsalanta ng bagyong Yolanda.[5] Sinisimbolo sa pangkalahatan ang bantayog ng lakas at tatag ng mga Pilipino sa kabila ng hirap at sakuna, gayundin, sinasagisag ng bantayog ang pag-asa at pag-alaala at pagbibigay parangal sa buhay nawala noong nalanta ang super bagyo.[6]

Matatagpuan din sa bantayog ang tala ng mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Nasa tabi ng Astrodome ang isang liwasan at palaruan na tinatawag na Astrodome Park and Playground (Liwasan at Palaruan ng Astrodomo). Isinayos ang liwasan at palaruan ng World Vision sa kooperasyon ng Pamahalaang Lokal ng Tacloban.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Desacada, Miriam Garcia. "Memorial markers unveiled in Tacloban". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Master, Web (2018-11-05). "Mayor Romualdez leads 'Yolanda' commemoration". Leyte Samar Daily News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Flores, Helen. "Marcos: Fast-track relocation of Yolanda survivors". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Go, Miriam Grace (2017-06-24). "Yolanda Museum to rise in Tacloban 4 years after deadly typhoon". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "'Yolanda' Museum eyed in Tacloban". ptvnews.ph. 2017-06-24. Nakuha noong 2024-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Yolanda Memorial Monument Leyte – A Tribute". Pinay Wise (sa wikang Ingles). 2024-02-24. Nakuha noong 2024-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "My 2018: A Tour around my town: Yolanda Memorial Monument Tacloban City, Philippines". Steemit (sa wikang Ingles). 2018-02-09. Nakuha noong 2024-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)