Pumunta sa nilalaman

Yurihonjō

Mga koordinado: 39°23′9.1″N 140°2′55.8″E / 39.385861°N 140.048833°E / 39.385861; 140.048833
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Yurihonjō, Akita)
Yurihonjō

由利本荘市
Gusaling Panlungsod ng Yurihonjō
Gusaling Panlungsod ng Yurihonjō
Watawat ng Yurihonjō
Watawat
Opisyal na sagisag ng Yurihonjō
Sagisag
Kinaroroonan ng Yurihonjō sa Prepektura ng Akita
Kinaroroonan ng Yurihonjō sa Prepektura ng Akita
Yurihonjō is located in Japan
Yurihonjō
Yurihonjō
 
Mga koordinado: 39°23′9.1″N 140°2′55.8″E / 39.385861°N 140.048833°E / 39.385861; 140.048833
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaAkita
Lawak
 • Kabuuan1,209.60 km2 (467.03 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Enero 2020)
 • Kabuuan76,077
 • Kapal63/km2 (160/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
PunoZelkova serrata
BulaklakSakura
Bilang pantawag0184-24-3321
Adres17 Ozaki Yurihonjō-shi, Akita-ken 015-8501
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Yurihonjō (由利本荘市, Yurihonjō-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Akita, Hapon. Magmula noong 31 Enero 2020 (2020 -01-31), may tinatayang populasyon na 76,077 katao ang lungsod sa 30,639 mga kabahayan,[1] at may densidad na 63 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 1,209.60 square kilometre (467.03 mi kuw).

Ang lugar ng kasalukuyang Yurihonjō ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Dewa na pinangibabaw ng angkang Mogami noong panahong Sengoku. Sa ilalim ng kasugunang Tokugawa, napunta ang bahagi ng lugar sa paghawak ng Dominyong Honjō, Dominyong Kameda at Dominyong Yashima, kalakip ang isang napakaliit na bahaging nasa tuwirang pamumuno ng kasugunan (tenryō). Pagkaraan ng pasimula ng panahong Meiji, naging bahagi ito ng Distrito ng Yuri, Prepektura ng Akita noong 1878, at binuo ang bayan ng Honjō kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong Marso 31, 1954.

Itinatag ang kasalukuyang lungsod ng Yurihonjō noong Marso 22, 2005, mula sa pagsasanib ng lungsod ng Honjō at mga bayan ng Chōkai, Higashiyuri, Iwaki, Nishime, Ōuchi, Yashima at Yuri (lahat mula sa Distrito ng Yuri). Kasunod nito, ang bagong lungsod ng Yurihonjō ay may 126 mga kinatawan sa bagong asambleang panlungsod nito, mas-marami sa kabuoan ng Tokyo.

Matatagpuan ang Yurihonjō sa timog-kanlurang sulok ng Prepektura ng Akita, at hinahangganan ito ng Dagat Hapon sa kanluran at Prepektura ng Yamagata sa timog. Pinakamalaking munisipalidad ito ng Prepektura ng Akita batay sa lawak ng lupa, na sumasaklaw sa humigit-kumulang ikasmpung bahagi ng teritoryo ng prepektura, o humigit-kumulang kalahati ng lawak ng Prepektura ng Kanagawa. Bahagi ng lungsod ay nasa mga hangganan ng Chōkai Quasi-National Park.[2]

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura ng Akita
Prepektura ng Yamagata

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] naabot ng Yurihonjō ang pinakamataas na populasyon nito noong dekada-1950, at bumababa na ito mula noon.

Historical population
TaonPop.±%
1920 76,001—    
1930 84,681+11.4%
1940 89,937+6.2%
1950 109,672+21.9%
1960 109,032−0.6%
1970 95,428−12.5%
1980 95,748+0.3%
1990 95,489−0.3%
2000 92,843−2.8%
2010 85,230−8.2%

Mga ugnayang kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Yurihonjō City official statistics (sa Hapones)
  2. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-10-05. Nakuha noong 2020-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Yurihonjō population statistics
  4. 4.0 4.1 4.2 "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures (sa wikang Ingles). Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Nobyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Yurihonjō mula sa Wikivoyage