Yōkai
Ang Yōkai (妖怪, "kakaibang aparisyon") ay isang uri ng mga sobrenatural entidad at espiritu sa tradisyong-pambayang Hapones. Ang salitang ay binubuo ng kanji para sa "kaakit-akit, sakuna" at "aparisyon, misteryo, kahina-hinala."[1][2] Ang yōkai ay tumutukoy bilang ayakashi (あやかし), mononoke (物の怪) o mamono (魔物). Ang mga yōkai ay hindi mga literal na demonyo sa kaisipang Kanluranin na salita, ngunit sa halip ay mga espiritu o entidad, na ang pagkilos ay maaaring masahol o mapangwasak o palakaibigan, mapagsadya, o matulungin sa mga tao.
Ang mga yōkai ay karaniwang may mga katangain ng hayop (gaya ng kappa, na ipinapakita na kahalintulad sa isang pawikan, at ang tengu, madalas ipinapakita na may mga pakpak), gunit maaari ring magpakitang makatao, gaya ng sa kuchisake-onna. Ang ilang yōkai ay maaaring kahalintulad ng mga bagay na hindi gumagalaw (gaya ng tsukumogami), habang ang iba ay may hugis na hindi matukoy. Ang mga yōkai ay karaniwang isinasalarawan na may espiritwal o sobrenatural na aktibidad, na ang pagbabago ng anyo ang pinakamadalas na nadidikit sa mga ito. Ang mga yōkai na nagbabago ng anyo ay tinatawag na bakemono (化け物) o obake (お化け).
Ipinaliliwanag ng mga Hapones na folklorista at historyador ang yōkai bilang mga personipikasyon ng "sobrenatural o hindi maituturing na phenomena sa kanilang mga impormante." Sa panahong Edo, maraming artista, gaya ni Toriyama Sekien, ang nag-imbento ng bagong yōkai sa pamamagitan ng pagkuha ng inspirasyon mula sa mga kuwentong-pambayan o mula lamang sa kanilang sariling imahinasyon. Ngayon, maraming mga yōkai (tulad ng amikiri) ang napagkakamalang nagmula sa mas tradisyonal na alamat.[3]
Konsepto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang konsepto ng yōkai, ang kanilang mga sanhi at kababalaghan na nauugnay sa kanila ay malaki ang pagkakaiba-iba sa buong kultura ng Hapon at mga makasaysayang panahon; karaniwan, kapag lalong luma ang yugto ng panahon, higit na mataas ang bilang ng mga phenomena na itinuturing na sobrenatural at ang resulta ng yōkai.[4] Ayon sa mga ideya ng animismo ng Hapon, ang mga nilalang na tulad ng espiritu ay pinaniniwalaang naninirahan sa lahat ng bagay, kabilang ang mga natural na phenomena at mga bagay.[5] Ang gayong mga espiritu ay nagtataglay ng mga damdamin at personalidad: ang mga mapayapang espiritu ay kilala bilang nigi-mitama, na nagdala ng magandang kapalaran; ang mga marahas na espiritu, na kilala bilang ara-mitama, ay nagdala ng masamang kapalaran, tulad ng sakit at natural na mga sakuna. Walang alinmang uri ng espiritu ang itinuring na yōkai.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "#kanji 妖怪". Jisho.org. Nakuha noong 2022-02-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ようかい". Jisho.org. Nakuha noong 2022-02-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Toriyama Sekien". Obakemono. The Obakemono Project. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2013. Nakuha noong Abril 2, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 小松和彦 2015
- ↑ 小松和彦 2011