Pumunta sa nilalaman

Pagsasakdal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagsasakdal[1] (Ingles: impeachment /im·píts·ment/) ay ang proseso kung saan ang isang opisyal ay inaakusahan ng katiwalian o paglabag sa alituntunin na ang maaaring kahinatnan ay pagkatanggal sa puwesto ng naakusahan at iba pang kaakibat na kaparusahan. Isa itong paraan ng pagtatanggal ng mga opisyal, karaniwan sa pamahalaan mula sa kanilang tungkulin. Nangyayari ito kapag ang isang opisyal ay ayaw bumaba ang kanyang trabaho o gampanin. Katulad ito ng isang indictment, na isang pang uri ng paghahabla at isang bagay na dapat munang makuha ng tagausig bago maganap ang paglilitis. Pagkaraang maisakdal o maparatangan ang isang tao, bumoboto ang lehislatura kung hahatulan o sesentensiyahan ba o hindi, o kaya tuklasin kung nagkasala nga ba o hindi ang akusado. Ang ikalawang lehislatura ay minsang binubuo rin ng kaparehong mga tao na nagsakdal sa kanya pinaratangan, subalit hindi naman kung minsan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles (Tagalog-English Dictionary), Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X