Ika-14 na dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 1306)
Milenyo: ika-2 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  1300 dekada 1310 dekada 1320 dekada 1330 dekada 1340
dekada 1350 dekada 1360 dekada 1370 dekada 1380 dekada 1390
Si Tamerlane Ang Mananakop, ang tagapagtatag ng Imperyong Timurid.
Europa noong 1328
Tinalo ni Timur ang Sultan ng Delhi, si Nasir-ud-Din Mahmud Shah Tughluq, noong tagniyebe noong 1397–1398, pinetsahan ang pinta noong 1595–1600.
Ang mga humaliling estado ng Imperyong Mongol noong 1335: ang Ilkhanate, Ginutuang Horde, Dinastiyang Yuan at ang Chagatai Khanate.

Bilang isang pagtatala ng paglipas ng panahon, ang ika-14 na dantaon (taon: AD 1301 – 1400), ay isang siglo na tumagal mula Enero 1, 1301 hanggang Disyembre 31, 1400. Sa panahong ito, nakaranas ang Kanlurang Aprika at subkontinenteng Indiyano ng paglago ng ekonomiya at kaunlaran.

Sa Europa, kinuha ng Salot na Itim ang 25 milyong buhay – nilipol ang isang-katlo ng populasyon sa Europa[1] – habang lumaban ang Kaharian ng Inglatera at Kaharian ng Pransya sa mahabang Isang Daang Digmaan pagkatapos ng pagkamatay ni Carlos IV, Hari ng Pransya na nagdulot sa pag-angkin sa trono ng Pransya ni Eduardo III ng Inglatera. Tinuturing ang panahon na ito bilang ang pinakamataas na punto ng kagalantihan at tinatakda ang simula ng matibay na magkahiwalay na identidad para sa parehong Inglatera at Pransya gayon din ang pundasyon ng Renasimiyentong Italyano at Imperyong Otomano.

Sa Asya, itinatag ni Tamerlane (Timur) ang Imperyong Timurida. Tinataya ng mga paham na nagdulot ang kampanyang militar ni Timur ng 17 milyong tao na namatay, na nasa 5% ng kabuuang populasyon ng mundo noong mga panahon na iyon. Kasabay nito, umusbong ang Renasimiyentong Timurid. Sa mundong Arabe, nagkaroon ng malaking kontribusyon ang dalubhasa sa kasaysayan at siyentipikong pampolitika na si Ibn Khaldun at manggagalugad na si Ibn Battuta.

Sa India, nahati ang Sultanatong Bengal mula sa Sultanato ng Delhi, isang pangunahing bansang nangangalakal sa mundo. Isinalarawan ng mga Europeo ang sultanato bilang ang pinakamayamang bansa na maaring makipagkalakalan.[2] Napalayas mula sa Tsina ang korteng Mongol at nagretiro sa Mongolia, bumagsak ang Ilkanato, nabuwag ang Chaghatayid at naging dalawang bahagi, at nawala ang posisyon ng Ginintuang Horda bilang isang mahalagang kapangyarihan sa Silangang Europa.

Sa Aprika, ang mayamang Imperyong Mali, isang imperyong nangununa sa produksyon ng ginto sa daigdig, ay naabot ang panteritoryo at ekonomikong rurok sa ilalim ng paghahari ni Mansa Musa I ng Mali, ang pinakamayamang indibiduwal noong panahong medyebal, at sang-ayon sa mga iba't ibang sanggunian, siya ang pinamayaman sa lahat ng panahon.[3][4]

Mga dekada[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dekada 1320[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kamatayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dekada 1370[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapanganakan[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • 1371: Zheng He, marino at tagapaglayag mula sa Tsina[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Black Death, Encyclopaedia Britannica (sa Ingles)
  2. Nanda, J. N (2005). Bengal: the unique state (sa Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005. ISBN 978-81-8069-149-2. Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
  3. Thad Morgan, "This 14th-Century African Emperor Remains the Richest Person in History" Naka-arkibo 2019-05-01 sa Wayback Machine., History.com, Marso 19, 2018 (sa Ingles)
  4. Davidson, Jacob (Hulyo 30, 2015). "The 10 Richest People of All Time". Time (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 24, 2015. Nakuha noong Enero 5, 2017.
  5. https://www.khanacademy.org/partner-content/big-history-project/expansion-interconnection/exploration-interconnection/a/zheng-he. Isinangguni noong ika-11 ng Marso, 2018. (sa Ingles)