Zheng He

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Zheng He (Tradisyunal na Intsik: 鄭和; Pinapayak na Intsik: 郑和; Hanyu Pinyin: Zhèng Hé; Wade-Giles: Cheng Ho; Pangalan pagkapanganak: 馬三寶 / 马三宝; pinyin: Mǎ Sānbǎo; Pangalang Arabo: Hajji Mahmud) (13711433) ay ang pinakakilalang Intsik na marino at eksplorador. Kolektibong tinatawag ang kanyang mga paglalayag bilang ang mga paglalakbay ng "Ang Kinapong Sanbao sa Kanlurang Karagatan" (三保太監下西洋, Eunuch Sanbao to the Western Ocean) o "Si Zheng He sa Kanlurang Karagatan", mula 1405 hanggang 1433. Sa pagdating ng panahon na napuntahan na ng mga barkong Europeo ang Asya, nagalugad na ng mga barkong Intsik ang karamihan sa mga rutang pangdagat. Ang pagkakaiba lamang ay hindi nagtatag ng permanenteng mga himpiling pangkalakalan ang mga Intsik sa mga lugar na napuntahan nila.[1]

Bilang pagsunod sa kautusan ng Intsik na emperador, pinamunuan ni Zheng He ang pitong mga paglalakbay mula 1405 hanggang 1433 na binubuo ng 300 mga barko na naglululan ng 27,000 mga tauhan. Napuntahan nila ang Biyetnam, Indonesya, Sri Lanka, Arabyang Saudi, Ehipto, at silangang Aprika. Sa bawat pook na napuntahan ni Zheng He, humingi siya sa mga katutubong pinuno ng lugar ng pagbibigay-karangalan sa emperator ng mga Intsik. Dahil sa mga paglalakbay ni Zheng He, naragdagan ang kapangyarihan at yaman ng Tsina.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Who was Cheng Ho?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., Explorers and Pioneers, pahina 111.



Eksplorasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Eksplorasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.