Salot na Itim

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Larawang-guhit ng Salot na Itim mula sa Bibliyang Toggenburg (1411)

Ang Salot na Itim (Kastila: Peste Negra, Ingles: Black Death) ay isa sa pinakamalubhang pandemya sa kasaysayan ng tao, na malawakang inaakalang ang bakteryang Yersinia pestis (Salot),[1] ang may sanhi nito ngunit pinapalagay kamakailan lamang na sa ibang mga sakit ang sanhi.

Nakikilala ang Salot na Itim, sang-ayon sa mga salaysay, sa pamamagitan ng mga bubas (pamamaga sa gangliyo linpatiko), katulad ng nangyari noong ika-19 na siglo sa Asyanong bubonikong salot. Pinalagay ng mga siyentipiko at mga dalubhasa sa kasaysayan noong unang bahagi ng ika-20 siglo na ang Salot na Itim ay pagsiklab ng kaparehong sakit, na sanhi ng Yersinia pestis at kinalat sa pamamagitan ng pulgas sa tulong ng ibang mga hayop tulad ng itim na daga (Rattus Rattus). Bagaman, pinag-alinlangan kamakailan lamang ng ilang mga siyentipiko at mga dalubhasa sa kasaysayan ang palagay na ito,[2] at may mga ilang mananaliksik na naniniwalang isang balinguyngoy na lagnat ang sakit batay sa pang-epidemiyolohika paliwanag ng makasaysayang mga tala ng pagkalat ng sakit.[3][4] Bagaman, mas maihahambing ang pinakamalapit na dahilan ng pang-klinikang anyo ng sakit sa bubonikong salot.[5]

Tinatayang nasa 75 milyong katao ang kabuuang bilang ng mga namatay sa pandemyang ito,[6] at tinatayang nasa 25–50 milyon nito ang nangyari sa Europa.[7][8] Tinatayang nakapatay ang Salot na Itim ng mula 30% hanggang 60% ng populasyon ng Europa.[9][10][11] Maaaring nabawasan ang populasyon ng Daigdig sa mga 350 at 375 milyon noong 1400.[12]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Researchers sound the alarm: the multidrug resistance of the plague bacillus could spread". Pasteur.fr. http://www.pasteur.fr/actu/presse/press/07pesteTIGR_E.htm. Hinango noong 2008-11-03. 
  2. Kelly, John (2005). The Great Mortality, An Intimate History of the Black Death, the Most Devastating Plague of All Time. HarperCollins Publisher Inc., New York, NY. ISBN 0-06-000692-7. Page 295.
  3. Lavelle, Peter. "On the trail of the Black Death". News in Science. ABC Television. http://www.abc.net.au/science/features/blackdeath/default.htm. Hinango noong 2008-12-29. 
  4. Jo Revill. "Black Death blamed on man, not rats | UK news | The Observer". The Observer. http://www.guardian.co.uk/uk/2004/may/16/health.books. Hinango noong 2008-11-03. 
  5. A Journal of the plague year. Daniel Defoe. W. W. Norton & Company (January 1992)ISBN-10: 0393961885 # ISBN-13: 978-0393961881
  6. "Death on the doorstep". Wellcome Trust. http://www.wellcome.ac.uk/Professional-resources/Education-resources/Big-Picture/Epidemics/Articles/WTD028089.htm. Hinango noong 2008-11-03. 
  7. "Plague, Plague Information, Black Death Facts, News, PhotosPadron:– National Geographic". Science.nationalgeographic.com. http://science.nationalgeographic.com/science/health-and-human-body/human-diseases/plague-article.html. Hinango noong 2008-11-03. 
  8. Øivind Larsen. "DNMS.NO : Michael : 2005 : 03/2005 : Book review: Black Death and hard facts". Dnms.no. http://www.dnms.no/index.php?kat_id=16&art_id=87. Hinango noong 2008-11-03. 
  9. Stéphane Barry at Norbert Gualde, sa L'Histoire n° 310, Hunyo 2006, pp.45–46, sinasabing "sa pagitan ng 33% hanggang 66%"; Robert Gottfried (1983). "Black Death" sa Dictionary of the Middle Ages, bolyum 2, pp.257–67, sinasabing "sa pagitan ng 25 at 45 porsiyento".
  10. "The Black Death". History.boisestate.edu. http://history.boisestate.edu/westciv/plague/15.shtml. Hinango noong 2008-11-03. 
  11. "Plague and Public Health in Renaissance Europe". University of Virginia. Archived from the original noong 2008-02-12. http://web.archive.org/web/20080212060020/http://www3.iath.virginia.edu/osheim/plaguein.html. 
  12. "Historical Estimates of World Population". Census.gov. http://www.census.gov/ipc/www/worldhis.html. Hinango noong 2008-11-03.