Bakterya

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Bacteria
Hangganan ng mga labi: Archean o nauna pa - Kassalukuyan
Pinalaking mikrograpong electron ng Escherichia coli
Klasipikasyong siyentipiko
Dominyo: Bakterya
Phyla[1]

Actinobacteria (mataas na G+C)
Firmicutes (mababa na G+C)
Tenericutes (walang pader)

Aquificae
Bacteroidetes/Chlorobi
Chlamydiae/Verrucomicrobia
Deinococcus-Thermus
Fusobacteria
Gemmatimonadetes
Nitrospirae
Proteobacteria
Spirochaetes
Synergistetes

  • Hindi alam/hindi nakapangkat

Acidobacteria
Chloroflexi
Chrysiogenetes
Cyanobacteria
Deferribacteres
Dictyoglomi
Fibrobacteres
Planctomycetes
Thermodesulfobacteria
Thermotogae

Ang bakterya[2] (Ingles: bacteria [maramihan] o bacterium [isahan][3]) ay isa sa mga pangunahing grupo ng mga nabubuhay na mga organismo. Sa iba't ibang paglalapat, tumutukoy ang katagang bakterya sa lahat ng mga prokaryote o sa isang pangunahing pangkat nila, o dili kaya ang tinatawag na eubakterya (eubacteria), depende sa mga kaisipan tungkol sa mga pagkaugnay nito. Dito, ginagamit ang bakterya upang tukuyin ang yubakterya. Isa pang pangunahing pangkat ng bakterya (hindi ginagamit sa malawak, hindi taksonomikong kaisipan) ang Archaea. Bakteriyolohiya, isang sangay ng mikrobiyolohiya, ang tawag sa pag-aaral mga bakterya.

Bakterya ang pinakamarami sa lahat ng mga organismo, ito ay dahil sa kanilang mabilisang reproduksyon o pagparami. Malawakang silang makikita sa lupa, tubig at bilang mga symbiont ng ibang organismo. Maraming mga pathogen, mga organismong nagdudulot ng sakit, ay bakterya. Napakaliit ng karamihan, kadalasang nasa 0.5-5.0 μm ang kanilang pinakamahabang dimensyon, bagaman maaaring lumaki ang higanteng bakterya katulad ng Thiomargarita namibiensis at Epulopiscium fishelsoni sa 0.5 mm ang laki. Mayroon silang mga selulang pader (cell wall), katulad ng mga selula (cell) ng halaman at amag, ngunit binubuo ng peptidoglycan ang mga selulang pader ng bakterya.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

[baguhin] Unang Pagkatuklas

Si Antonie van Leeuwenhoek, ang unang mikrobiyolohista at ang unang tao na pinag-aralan ang mga bakterya gamit ang mikroskopyo.

Noong sinaunang panahon, ang kaalaman ng mga tao sa hugis at morpolohiya ng bakterya ay nakadepende sa laki ng uri ng mikroskopyo na ginagamit nila sa pag-aaral[4][5][6]. Unang nakita ang mga bakterya ni Antonie van Leeuwenhoek, isang taga-Olanda, noong tag-init ng 1676. Nagtaka siya sa nang naging mainit ang paminta, kaya naghanda siya ng peppercorns sa tabi ng isang basong tubig at pinag-aralan ang tubig sa ilang araw. Sa ilalim ng single-lens na mikroskopyo sa magnipikasyong 400 ang patong[7] .

Dahil dito, nakita niya ang mga maliliit na organismo na gumagalaw, sa pagkamangha, tinawag niya itong animalcules. Hindi siya nakapaghanda ng mga ilustrasyon sa maliliit na organismo hanggang sa ilang taon ang lumipas, at itong mga ilustrasyon, ay natapos ang mga paghahanda, na ipinakikita ang mga organismong ito na mula sa kanyang bibig. Malinaw na nakaindika na siya ang unang nag-ilustrasyon sa bakterya sa unang pagkakataon

[baguhin] Pagkatuklas ng Pasteurisasyon

Nang magbigay opinyon si Leeuwenhoek na ang mga maliliit na organismo ay may relasyon sa fermentation, dekay at sakit, hindi na ito binigyang halaga pa. Huling nadiskubre ang relasyong ito sa proseso sa isang aksidente. Itinaas sa Louis Pasteur[8], isang batang Kimika pranses, ng Gobyernong Pranses para mapalakas ang kalidad ng inuming pranses, kinokonsedera ang mga kimiko ang mga tamang tao sa trabahong ito dahil alam nila ang permentasyon ay isang tunay na prosesong Kimika[9].

Pansamantalang binuo ni Pasteur ang parte na ginampanan ng mga buhay na organismo sa permentasyon. Sa katunayan, ipinakita niya sa unang pagkakataon ang pampaalsa ay kinakailangan sa produksyon ng alak na galing sa ubas. Pasteurisasyon, ang mabilis na pag-nit ng likido para patayin ang mga hindi kilalang organismo, ang unang ginamit para ipreserba ang pranses na inumim para sa pagluluwas.

[baguhin] Pagsuwesyon sa Teorya ng Henerasyong Spontanyos

! Para sa karagdagang impormasyon: Teorya ng Henerasyong Spontanyos

Sa kasagsagan ng 1890's, ang , na kung saan sa Pastuer ay isang miyembro, ay mainit na pinag-aawayan na kung hindi o ang buhay ay nagmula sa isang organismo ng mabilis. Ang kinalabasan ng pagtatalo ay ang malinaw na ipinaliwanag ni Pasteur na ang mikroorganismo ay palaging nanggagaling sa nabubuhay na organismo[10][11]. Ang nabubuhay na organismo, kahit bakterya o larvae ng insekto, ay hindi nanggaling de novo sa patay na bagay. ang mahabang tulay-tulay na ekperimento sa laboratoryo ni Pasteur ay pinagpatuloy sa pagkakatatag ng malinaw na relasyon sa pagitan ng bakterya (at pampaalsa) at ang proseso ng permentasyon, pagkalusaw at sakit.

[baguhin] Pagkatuklas sa Gampanin ng Bakterya sa Sakit

Ang gampanin ng bakterya sa sakit ay unang natuklasan sa loob ng 25 na taon ng ika 1900. Noong 1876, napatunayan ni Robert Koch, isang pambansang doktor ng Alemanya, na ang Anthrax ay sanhi ng isang bakteryum, (Bacillus anthracis). Siya ang gumawa at pinangalanan at pinuksa ang bakteryum, para iyurok sa isang dagang pang-ekperimento at nagsasanhi para magkaroon ulit ito ng ganoong sakit. Kumuha siya ng mga litrato ng mga organismo sa pamamagitan ng mikroskopyo dalawang taon na ang nakakaraan, na nagpalaganap ng unang litrato na ebidensya ng bakterya. Sa kaparehas na oras, unang nalaman ni Burmill na ang bakteryum ay isang Plant Pathogent.

[baguhin] Hugis

Ipinapakita na ang bakterya ay maraming morpolohiya at pagkakaayos

Mayroong tatlong ur ng hugis ng bakterya: Sperical, Rod-shaped, at Spiral. Tinatawag na Cocci ang bakteryang sperical (pang-isahan: Coccus), Bacilli naman ang tawag sa mga hugis rod (pang-isahan:Bacillus), at Spirilla naman sa spiral (pang-isahan: Spirillum).[12] Mayroong kaunting intragrado sa pagitan ng mga hugis na ito. Mahirap itong, sa karamihan, paghiwalayin sa pagitan ng napaikling rod at isang oras na pabilog sa paghahanda sa dibisyong selula. Sa katunayan, ang hugis ay nakadepende sa paghaba ng taon ng bakterya at sa kalikasan.[13]

Ang bakterya na hugis coccus, nakaayos nang chain na katulad ng hugis perlas. Ang ibang uri ng genus streptococcus ay napakaimportante at nag-sasanhi ng Scarlet Fever, Erysipelas, Mastitis ng baka at inpeksyong sinus. Ang S. lactus ay isang sangkap sa pag-pait ng gatas. Kadalasang natitira ang mga bakteryang spherical sa iregular na piniping bigat; na tinatawag na Staphylococci.[14]

Sanhi ng pagkulo at pagkakasakit ang isang uri ng Staphylococcus.[15] Natitira naman ang ibang bakterya ang spherical sa paketeng kubikal na 8, 64 o marami pang selula; na makikita sa genus Sarcina. Hugis kadenang selula ang mga rods nito.[16]

Ang bakterya ay ang pinakamaliit na nabubuhay na organismo. Ang ilan sa kanila ay makikita lamang sa kalapitan o pinakamataas na lente ng makapangyariang magaang na mikroskopyo. Karamihan sa mga bilyong bakterya ay makikita sa kubik sentimetro ng lupa.[17] Ang napakaliit na hugis ng bakterya ay isang dahilan ng kahalagahan ng buhay nila. Ang lahat ng sustansya, lahat ng gases, at inorganikong asin na kinakailangan ng isang bakteryum ay kailangang makuha sa pamamagitan ng kanilang cell wall.[18][19] Ang lahat ng mga produktong dumi, lahat ng lason, ibang enzyme at ibang espesyal na substans na kasama ng mga aktibidad ng bakterya ay kailangang dumaan palabas sa pamamagitan ng surface ng isang selulang bakteryum. Ang dami ng surface ng isang bakteryum sa relasyon ng bolyum ang dami sa mga bagay na ilalabas.[20]

[baguhin] Distribusyon

Ang mga bakterya ay makikita sa lahat ng sulok ng mundo. Makikita sila sa hangin, tubig, at lupa. Nabubuhay sila sa lahat ng hayop at katawang halaman at sa lahat ng hinahawakang natin. Ang buhay na bakterya ay makikita sa mga gatas at sa lahat pagkain na hindi isterilisado. Kahit sa mga pagkain na dumaan sa proseso ng isterilisasyon ay kadalasang naglalaman ng spores ng bakterya. Nakikita ang mga spores na ito sa temperaturang malapit na sa zero kahit hindi napapatay. Nakikita rin ang bakterya sa bituka ng hayop. Nakadikit naman ang mga Nitrogen-fixing bacteria sa mga buhay na selula ng bulaklak na kinabibilangan ng legumes, alders, bitterbrush, at iba pa.

Sa kailaliman ng tubig, malamig na balon o springs, ay marami ito. Kahit na ang ilang sentimetro ng lupa ay kakikitaan ng mga bakterya, ang bilang nila ay bumababa kung ang lalim ay tumaas.

Kahit na nakakalat na ang mga bakterya sa buong mundo, posible pa ring maging ligtas ang mga kwarto sa mga bakterya. Ang mga babala ay laging inaalam sa mga kwartong operasyon sa ospital at uri ng biyolohikal at laboratoryong bakteryolohikal. Ang mga sahig ay hinugasan ng mga pamatay na likido, isterilisadong damit ang isinusuot, at ang mga instrumentong nilalagay sa nagiinit na tubig ang ginagamit. Pati ang hangin ay nalilinis sa pamamagitan ng steam o radisyong ultraviolet. Tinatawag na Asepsis ang kundisyong walang bakterya. Isterilisasyon naman ang tawag sa pagtatangal o pagpuksa sa lahat ng nabubuhay, kasama ag bakterya, na nakakalat sa mga bagay-bagay.

[baguhin] Klasipikasyon

Ang kahalagahan ng selula ay kailangan sa klasipikasyon ng bakterya sa hugis ng selula. Maraming bakterya, sa katunayan, ay maaring malaman sa kanilang kayang gawain, hindi sa mababaw na, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng anyo.[14] Maaaring mahati ang 3000 o higit pang uri ng bakterya sa bilang na pangunahing grupo base sa anyo ng padre selula[21][22], pinagkukuhanan ng enerhiya at karbon, hugid ng selula, porma ng paggalaw, pangangailangan sa oksiheno at pagpapalabas ng spores. Sa pinakabagong edisyon ng Bergey's Manual of Determinative Bakteriology, nahahati ang bakterya sa 19 na parte.[23]

[baguhin] Proteobacteria

! Para sa karagdagang impormasyon: Proteobacteria

Ito ang unang parte ng bakterya na may Gram-negative rods, cocci o spirilla. Ang Proteobacteria na tinatawag ding Photosynthetic Bacteria.[24] Ito ay mga Gram-Negative rods, cocci, spirilla.[25][26] Ilan sa mga ito ay may Flagella. Kadalasan ang mga selula(violet, berde, dilaw, lila, at tsokolate) ay dahil sa dami ng carotenoids. Ang ibang selula ay nagtataglay ng Gas Vacuoles. Ang mga ito ay limitado sa pagkakaroon ng tirahan sa tubig tulad ng mababaw, at maalat na lawa, may lalim na 25m. na may anaerobic strata sa lawa o mainit na bukal na sagana sa sulfate.[27]


[baguhin] Gliding Bacteria

! Para sa karagdagang impormasyon: Gliding Bacteria

[baguhin] Sheated Bacteria

! Para sa karagdagang impormasyon: Sheated Bacteria

Ito ang ikatlong parte ng bakterya na naglalaman ng 7 genera.

[baguhin] Budding Bacteria (o Appendaged Bacteria)

! Para sa karagdagang impormasyon: Budding Bacteria

Naglalaman ng 17 genera ang ika-apat na bahagi ng bakterya.

[baguhin] Spirochetes

! Para sa karagdagang impormasyon: Spirochetes

[baguhin] Bilog at Kurbang Bakterya

! Para sa karagdagang impormasyon: Bilog at Kurbang Bakterya

Ito ang ika-anim na bahagi ng bakterya na naglalaman ng isang pamilya, 2 genera at 4 na genera na hindi lubusang kilala.

[baguhin] Gram-negative Aerobic Bacteria

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-negative Aerobic Bacteria

[baguhin] Gram-negative Facultatively Bacteria

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-negative Facultatively Bacteria

[baguhin] Gram-negative Anaerobic Bacteria

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-negative Anaerobic Bacteria
Ang rango ng hugis na ipinakikita ng mga prokaryote, na magkakaugnay sa ibang organismo at mga biomolecule

[baguhin] Gram-negative Cocci at Coccibacilli

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-negative Cocci at Coccibacilli

[baguhin] Gram-negative Anaerobic Cocci

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-negative Anaerobic Cocci

[baguhin] Gram-negative Chemolithotropic Bacteria

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-negative Chemolitrophic Bacteria

[baguhin] Bakteryang Tagalabas ng Metohino

! Para sa karagdagang impormasyon: Bakteryang Tagalabas ng Metohino

Naglalaman ng isang (1) pamilya at 3 genera ang ika-labingtatlong parte ng bakterya.

[baguhin] Gram-positive Cocci

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-positive Cocci

[baguhin] Gram-positive Endospore-forming Rods at Cocci

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-positive Endospore-forming Rods at Cocci

[baguhin] Gram-positive Asporogenous Hugis Rod na Bacterya

! Para sa karagdagang impormasyon: Gram-positive Asporogenous Hugis Rod na Bacterya

[baguhin] Actinomycete

! Para sa karagdagang impormasyon: Actinomycete

[baguhin] Rickettsia

! Para sa karagdagang impormasyon: Rickettsis

[baguhin] Mycoplasmas

! Para sa karagdagang impormasyon: Mycoplasmas

[baguhin] Paggalaw

[baguhin] Nutrisyon at Enerhiya

Uri ng Nutrisyon sa in metabolikong bakterya
Uri ng Nutrisyon Pinagkukuhanan ng Enerhiya Pinakukuhanan ng Karbon Halimbawa
 Phototroph  Sinag ng Araw  Organikong Kompound (photoheterotrophs) o piksasyong karbon (photoautotrophs)  Cyanobacteria, Green sulfur bacteria, Chloroflexi, o Purple bacteria 
 Lithotroph Inorganikong Kompound  Organikong kompounds (lithoheterotrophs) o piksasyong karbon (lithoautotrophs)  Thermodesulfobacteria, Hydrogenophilaceae, o Nitrospirae 
 Organotroph Organikong kompounds  Organikong kompounds (chemoheterotrophs) o piksasyong karbon (chemoautotrophs)    Bacillus, Clostridium o Enterobacteriaceae 
  • Photoautotrophs- grupo ng bakterya na gumagamit ng sinag ng araw bilang pinagkukuhanang enerhiya at Carbon Dioxide bilang pinagkukuhanang karbon.[28]
  • Photoheterotrophs- grupo ng bakterya na gumagamit ng sinag ng araw bilang pinagkukuhanang enerhiya at maraming organikong kompound (Halimbawa:Asidong asetik) bilang pinagkukuhanang karbon.[29]
  • Chemoautotrophs- grupo ng bakterya na nagooksida o nagbabawas ng inoganikong kompound (Halimbawa: NH3, H2, H2S, FeH) para mapanatili ang enerhiya at gumagamit ng Carbon Dioxide para sa pinagkukuhanang karbon.[30]
  • Chemoheterotrophs- grupo ng bakterya na nagooksida o nagbabawas ng organikong kompound para mapanatili ang parehong enerhiya at karbon.[31]

[baguhin] Potosintesis ng Bacterya

[baguhin] Respirasyon

Nangangailangan ang mga bakterya, katulad ng ibang organismo[32], ng enerhiya para sa kanilang ikabubuhay. Gumagamit din ang mga bakterya ng oksihenong galing sa atmospera sa repirasyong tinatawag na aerobes. Kaya ng nila na mag-ferment; huminga kahit walang oksiheno at walang oksidasyon ng pagkain sa carbon dioxide at tubig. Kaya rin nilang sustentuhan ang enerhiya sa pamamagitan ng glycolysis. Ang oksidasyon ng pagkain sa asidong organiko.[33] Hindi nila kinakailangan ang malalaking enerhiya na inilalabag kapag ang oksiheno ay sumanib sa alkohol, asidong pyrubiko o sa simpleng organikong kompound para mabuo ang Carbon Dioxide at tubig. Sa iba, kaunting bakterya ang hindi lumalaki sa oksiheno na tinatawag na anaerobes.[34]

[baguhin] Piksasyong Nitroheno

! Para sa karagdagang impormasyon: Piksasyong Nitroheno

[baguhin] Bahagi

[baguhin] Cell Wall

[baguhin] Protoplasm

[baguhin] Reproduksyong Sekswal

[baguhin] Talababa

  1. Bacteria (eubacteria). Taxonomy Browser. NCBI. Hinango noong Setyembre 10, 2008.
  2. "Bakterya." Estrada, Horacio R. Bakterya, Bayrus, at Bulate, nagsisilbing sanggunian para sa pag-unawa sa agham ng mikrobiyolohiya, bakterya, birus, at iba pang mga mikroorganismo, NRCP Medical Series 4, STII.dost.gov.ph
  3. "Bacteria [plural], bacterium [singular], Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., pahina 206.
  4. van Leeuwenhoek A (1684). "An abstract of a letter from Mr. Anthony Leevvenhoek at Delft, dated Sep. 17, 1683, Containing Some Microscopical Observations, about Animals in the Scurf of the Teeth, the Substance Call'd Worms in the Nose, the Cuticula Consisting of Scales". Philosophical Transactions (1683–1775) 14: 568–574. Nakuha noong 2007-08-19.
  5. van Leeuwenhoek A (1700). "Part of a Letter from Mr Antony van Leeuwenhoek, concerning the Worms in Sheeps Livers, Gnats, and Animalcula in the Excrements of Frogs". Philosophical Transactions (1683–1775) 22: 509–518. Nakuha noong 2007-08-19.
  6. van Leeuwenhoek A (1702). "Part of a Letter from Mr Antony van Leeuwenhoek, F. R. S. concerning Green Weeds Growing in Water, and Some Animalcula Found about Them". Philosophical Transactions (1683-1775) 23: 1304–11. doi:10.1098/rstl.1702.0042. Nakuha noong 2007-08-19.
  7. Porter JR (June 1976). "Antony van Leeuwenhoek: tercentenary of his discovery of bacteria". Bacteriological Reviews 40 (2): 260–9. PMID 786250.
  8. The Nobel Prize in Physiology or Medicine 1905. Nobelprize.org. Hinango noong Nobyembre 22, 2006.
  9. Pasteur's Papers on the Germ Theory. LSU Law Center's Medical and Public Health Law Site, Historic Public Health Articles. Hinango noong Nobyembre 23, 2006.
  10. Schopf J (1994). "Disparate rates, differing fates: tempo and mode of evolution changed from the Precambrian to the Phanerozoic". Proc Natl Acad Sci USA 91 (15): 6735–42. doi:10.1073/pnas.91.15.6735. PMID 8041691.
  11. DeLong E, Pace N (2001). "Environmental diversity of bacteria and archaea". Syst Biol 50 (4): 470–78. doi:10.1080/106351501750435040. PMID 12116647.
  12. Schulz H, Jorgensen B (2001). "Big bacteria". Annu Rev Microbiol 55: 105–37. doi:10.1146/annurev.micro.55.1.105. PMID 11544351.
  13. Robertson J, Gomersall M, Gill P. (1975). "Mycoplasma hominis: growth, reproduction, and isolation of small viable cells". J Bacteriol. 124 (2): 1007–18. PMID 1102522.
  14. 14.0 14.1 Velimirov, B. (2001). "Nanobacteria, Ultramicrobacteria and Starvation Forms: A Search for the Smallest Metabolizing Bacterium". Microbes and Environments 16 (2): 67–77. doi:10.1264/jsme2.2001.67. Nakuha noong 2008-06-23.
  15. Dusenbery, David B. (2009). Living at Micro Scale, pp.20-25. Harvard University Press, Cambridge, Mass. ISBN 978-0-674-03116-6.
  16. Fritz I, Strömpl C, Abraham W (2004). "Phylogenetic relationships of the genera Stella, Labrys and Angulomicrobium within the 'Alphaproteobacteria' and description of Angulomicrobium amanitiforme sp. nov". Int J Syst Evol Microbiol 54 (Pt 3): 651–7. doi:10.1099/ijs.0.02746-0. PMID 15143003.
  17. Wanger Onstott Southam (2008). "Stars of the terrestrial deep subsurface: A novel `star-shaped' bacterial morphotype from a South African platinum mine". Geobiology 6 (3): 325–330. doi:10.1111/j.1472-4669.2008.00163.x. PMID 18498531.
  18. Cabeen M, Jacobs-Wagner C (2005). "Bacterial cell shape". Nat Rev Microbiol 3 (8): 601–10. doi:10.1038/nrmicro1205. PMID 16012516.
  19. Young K (2006). "The selective value of bacterial shape". Microbiol Mol Biol Rev 70 (3): 660–703. doi:10.1128/MMBR.00001-06. PMID 16959965.
  20. Douwes K, Schmalzbauer E, Linde H, Reisberger E, Fleischer K, Lehn N, Landthaler M, Vogt T (2003). "Branched filaments no fungus, ovoid bodies no bacteria: Two unusual cases of mycetoma". J Am Acad Dermatol 49 (2 Suppl Case Reports): S170–3. doi:10.1067/mjd.2003.302. PMID 12894113.
  21. Cabeen M, Jacobs-Wagner C (2005). "Bacterial cell shape". Nat Rev Microbiol 3 (8): 601–10. doi:10.1038/nrmicro1205. PMID 16012516.
  22. Young K (2006). "The selective value of bacterial shape". Microbiol Mol Biol Rev 70 (3): 660–703. doi:10.1128/MMBR.00001-06. PMID 16959965.
  23. Robertson J, Gomersall M, Gill P. (1975). "Mycoplasma hominis: growth, reproduction, and isolation of small viable cells". J Bacteriol. 124 (2): 1007–18. PMID 1102522.
  24. Madigan M; Martinko J (editors). (2005). Brock Biology of Microorganisms (11th ed.). Prentice Hall. ISBN 0131443291. 
  25. Stackebrandt et al. Proteobacteria classis nov., a name for the phylogenetic taxon that includes the "purple bacteria and their relatives". Int. J. Syst. Bacteriol., 1988, 38, 321-325.
  26. Proteobacteria. Discover Life: Tree of Life. Hinango noong Pebrero 9, 2007.
  27. Lee at al. Int J Syst Evol Microbiol 55 (2005), 1907-1919.
  28. Zillig W (1991). "Comparative biochemistry of Archaea and Bacteria". Curr Opin Genet Dev 1 (4): 544–51. doi:10.1016/S0959-437X(05)80206-0. PMID 1822288.
  29. Xu J (2006). "Microbial ecology in the age of genomics and metagenomics: concepts, tools, and recent advances". Mol Ecol 15 (7): 1713–31. doi:10.1111/j.1365-294X.2006.02882.x. PMID 16689892.
  30. Nealson K (1999). "Post-Viking microbiology: new approaches, new data, new insights". Orig Life Evol Biosph 29 (1): 73–93. doi:10.1023/A:1006515817767. PMID 11536899.
  31. Hellingwerf K, Crielaard W, Hoff W, Matthijs H, Mur L, van Rotterdam B (1994). "Photobiology of bacteria". Antonie Van Leeuwenhoek 65 (4): 331–47. doi:10.1007/BF00872217. PMID 7832590.
  32. Nealson K (1999). "Post-Viking microbiology: new approaches, new data, new insights". Orig Life Evol Biosph 29 (1): 73–93. doi:10.1023/A:1006515817767. PMID 11536899.
  33. Zillig W (1991). "Comparative biochemistry of Archaea and Bacteria". Curr Opin Genet Dev 1 (4): 544–51. doi:10.1016/S0959-437X(05)80206-0. PMID 1822288.
  34. Xu J (2006). "Microbial ecology in the age of genomics and metagenomics: concepts, tools, and recent advances". Mol Ecol 15 (7): 1713–31. doi:10.1111/j.1365-294X.2006.02882.x. PMID 16689892.

[baguhin] Malayuang Pagbabasa

[baguhin] Ugnay Panlabas

Wikispecies-logo.svg
Ang Wikispecies ay may kaalamang may kaugnayan sa :
Tuklasin ang iba pa hinggil sa Bakterya mula sa mga kapatid na proyekto ng Wikipedia:
Wiktionary-logo-en.svg Kahulugang pangtalahuluganan
Wikibooks-logo.svg Mga araling-aklat
Wikiquote-logo.svg Mga siping pambanggit
Wikisource-logo.svg Mga tekstong sanggunian
Commons-logo.svg Mga larawan at midya
Wikinews-logo.svg Mga salaysaying pambalita
Wikiversity-logo-en.svg Mga sangguniang pampagkatuto


Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo
Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika