Lawa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lawa sa Bariloche (Arhentina).
Ang Lawang Kaindy sa timog-silangang Kazakhstan.

Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.

May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.

Mga kilalang Lawa[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Ang Dagat Caspian ang pinakamalaking lawa sa daigdig kung susukatin ang lapad nito. Ang lapad ay 394,299 km², ito ay higit na malaki kahit pa pagsa-samahin ang sumunod na anim na lawa na pinagsama-sama.
  • Pinakamalalim ang lawa ng Baikal sa Sibera, na may lalim na 1,637 m (5,371 talampakan) at ang pinakamalaking lawa na may sariwang tubig ayon sa dami sa daigdig.
  • Pinakamatandang lawa ang Lawa ng Baikal, sinundan ng Lawa ng Tanganyika (Tanzania).

Pinakamalalaking lawa ayon sa Kontinente[baguhin | baguhin ang batayan]

Paalala: Ang Lawa ng Maracaibo ay maaari ring sabihing pinakamalaking lawa sa Timong Amerika. Ngunit ang bukana nito sa ay may kalakihan, kaya't higit na mainam na sabihin ito bilang look.
Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.