Aconcagua

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Aconcagua noong 2004.

Sa taas na 6,962 mga metro (22,841 mga talampakan), ang Bundok ng Aconcagua o Cerro Aconcagua ay ang pinakamataas na bundok sa mga Amerika, at ang pinakamataas na bundok sa labas ng Asya. Nakalatag ito sa sakop ng bulubundukin ng Andes, sa loob ng lalawigan ng Mendoza, Arhentina. Nakalagak ang tuktok nito sa bandang 5 mga kilometro mula sa lalawigan ng San Juan at 15 mga kilometro mula sa pandaigdigang hangganan ng Tsile. Nakahimlay ito sa 112 km (70 mi) kanluran sa pamamagitan ng hilaga ng lungsod ng Mendoza. Ang Aconcagua ang pinakamataas na tuktok sa kapwa mga Kanluran at Timog Hemispero. Ito ang isa sa Pitong Taluktok.

Hinahangganan ang Aconcagua ng Valle de las Vacas ("Lambak ng mga Baka") sa hilaga at silangan at ng Valle de los Horcones Inferior sa kanluran at timog. Bahagi ang bundok at ang mga nakapaligid dito ng Panlalawigang Liwasan ng Aconcagua. May isang bilang ng mga malalaking tipak ng mga yelo o glasyer ang bundok. Pinakamalaki sa mga ito ang Ventisquero Horcones Inferior na may habang nasa bandang 10 mga kilometro mula sa mukha nito sa timog hanggang sa bandang 3600 mga metrong altitud malapit sa kampo ng Confluencia[1]. Dalawa pa sa malaking mga sistemang glasyer ang Ventisquero de las Vacas Sur at ang sistemang Glaciar Este/Ventisquero Relinchos na nasa bandang 5 mga kilometro ang haba. Subalit pinakakilala ang hilagang-silangan o Polakong Glasyer, isang pangkaraniwang ruta ng pag-akyat.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Servei General d'Informacio de Muntanya, 2002, "Aconcagua 1:50,000 map", nilathala ng Cordee



HeograpiyaArhentina Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Arhentina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.