Bundok

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Bundok (paglilinaw).
Bundok Damavand, Iran

Ang bundok (Ingles: mountain[1], mont [katawagang pang-heograpiya][1], at mount[1] [isa pang katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.

Tinatakpan ng mga bundok ang 54% ng Asya, 36% ng Hilagang Amerika, 25% ng Europa, 22% ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3% ng Aprika. Sa kabuuan, bulubundukin ang 24% ng lupain sa Daigdig. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin. Nagmula sa mga bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.[2][3]

Impluho sa wikang Ingles[baguhin]

Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan" (Ingles: backwoods at hinterland).[4]

Mga talasanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, dahon 492-499, 606 at 612, ISBN 0-7172-0508-8
  2. "International Year of Freshwater 2003". http://www.wateryear2003.org/en/ev.php-URL_ID=3903&URL_DO=DO_TOPIC&URL_SECTION=201.html. Nakuha noong 2006-12-07. 
  3. "The Mountain Institute". http://www.mountain.org/mountains/whymtns.cfm?slidepage=water. Nakuha noong 2006-12-07. 
  4. Williams, Edwin B. (general editor) [patnugot-panlahat]. The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0-553-26496-6


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.