Cologne

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Skyline ng Cologne sa gabi mula sa waterfront ng Ilog Rhein. Makikita sa gawing kanan ang tanyag na Katedral ng Cologne at bisible din ang city hall (sa kaliwa) at ang Simbahang San Martín (gitna).

Ang Cologne (Aleman: Köln; Kölsch: Kölle) ay pang-apat na pinamataong lungsod sa Alemanya at pinakamalaking lungsod ng land ng Nordrhein-Westfalen sa Alemanya. Ito ang pinakamahalagang domestikong puerto, at tinuturing na pang-ekonomiya, pangkultura, at pangkasaysayang kapital ng Rheinland. Ito ang pang-16 na pinakamalaking lungsod sa Unyong Europeo.

Matatagpuan ito sa interseksiyon ng Ilog Rhein kasama ang isa sa mga pangunahing rutang pangkalakal sa pagitan ng silangan at kanlurang Europa na naging pundasyon ng mahalagang pangangalakal sa Cologne. Noong Gitnang Panahon, naging mahalagang sentro ng sining at edukasyon. Labis na nawasak ang Cologne noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.



AlemanyaHeograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.