Diyosesis ng Gumaca

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Diyosesis ng Gumaca
Dioecesis Gumacanus
Lokasyon
Bansa Watawat ng Pilipinas Pilipinas
Teritoryo Katimugang Quezon (Alabat, Buenavista, Calauag, Catanauan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Macalelon, Mulanay, Perez, Pitogo, Quezon, San Andres, San Francisco, San Narciso at Tagkawayan)[1]
Lalawigang Eklesyastiko Lipa
Kalakhan Gumaca, Quezon
Estadistika
Populasyon
- Kabuuan
- Katoliko
(noong 2006)
882,818
751,000 (85.1%)
Parokya 77
Impormasyon
Denominasyon Katoliko Romano
Rito Ritong Romano
Itinatag na
- Diyosesis

9 Abril 1984
Katedral Katedral ni San Diego de Alcala
Kasalukuyang Pamunuan
Papa Francisco
Obispo Buenaventura Famadico

Ang Diyosesis ng Gumaca (Latin: Dioecesis Gumacanus) ay isang diyosesis ng Ritong Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinatag ang diyosesis noong 9 Abril 1984 mula sa Diyosesis ng Lucena. Binubuo ito ng silangang bahagi ng lalawigan ng Quezon. Ito ang pinakabata sa tatlong diyosesis sa lalawigan ng Quezon sa ngayon. Ang una ay yaong sa Lucena na sumasakop sa katimugang bahagi, ang ikalawa ay yaong sa Infanta na sumasakop sa hilagang bahagi, at ang sa Gumaca na sumasakop sa silangang bahagi. Ang patron ng diyosesis ay si San Diego de Alcala.

Noong panahon ng Espanyol mga taong 1595, ang teritoryo ng Quezon ay napapasailalim ng pamamahala ng dating Diyosesis ng Caceres sa Kabikulan na ngayon ay isa nang arkidiyosesis. Napalipat ito sa Diyosesis ng Lipa noong nang ito ay nabuo noong taong 1910. Noong 12 Agosto 1950 ang Diyosesis ng Lucena ay naitatag at namahala sa buong lalawigan ng Quezon. Hanggang sa maitatag ang Territorial Prelature of Infanta ng taong ding iyon na siya namang nagkaroon ng hurisdiksiyon sa buong hilagang bahagi. Ang bumubuo sa Diyosesis ng Gumaca ay dating bahagi ng Diyosesis ng Lucena bago ito nahiwalay.

Ang mga Pransiskano ang naitalang unang misyonero na nagdala ng Kristiyanismo sa lugar na ngayon ay bumubuo sa Quezon. Sa katunayan ang parokya ng Gumaca ay naitatag noong pa mang taong 1976, sinundan noong sa Mulanay taong 1836, at ang sa Lopez noong 1861.

Ang lugar na nasasakupan ng Diyosesis ng Gumaca ay may laking 6,666 kilometro-kwadrado at may populasyon na 678,518. Ito ay binubuo na mga bayan sa Quezon na malapit sa lalawigan ng Camarines at naliligiran ng Lamon Bay sa hilaga, dagat Sibuyan sa timog, Camarineses sa silangan at Tayabas Bay naman sa kanluran at ng Diyosesis ng Lucena.

Nang ito ay matatag, 21 parokya mula sa 48 ng Diyosesis ng Lucena ang napasalagay as bagong Diyosesis. At si Lubos kagalang-galang Obispo Emilio C. Marquez ang inordinahan at itinalagang unang Obispo ng nasabing Diyosesis noong 29 Enero 1985.

Sa ngayon ang Diyosesis ay mayroon nang Pastoral Formation Center kung saan ang mga tanggapan ng Diyosesis ay nakalagak. Ang Gumaca Diocesian Press, ang sangay tagapaglimbag ng diyosesis ay nasa operasyon na buhat pa noong taong 1986 at naglilimbag ng Tipan, isang buwanang sanggunian sa liturhiya at Saguisag, isang buwanang pahayagang palihan. Ang Mount St. Aloysius College Seminary ay ang seminaryo ng diyosesis na tumatanggap ng mga nagnanais magpari.

Sa ngayon ang Diyosesis ay mayroong 23 parokya. Ito ay hindi nagkaroon ng anumang pagbabago sa hurisdiksiyon at isa ito sa mga supragano ng Arkidiyosesis ng Lipa.

Ang kasalukuyang obispo ay si Buenaventura Malayo Famadico, na naitalaga noong taong 2003.

Mga Namuno[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Emilio Z. Marquez (15 Dec 1984 Naitalaga - 4 Mayo 2002 Naitalaga, Obispong Coadjutor ng Lucena)
  • Buenaventura Malayo Famadico(11 Jun 2003 Naitalaga - Nailipat sa Diocese of San Pablo)

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]