El Nido, Palawan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng El Nido
—  Bayan  —
Opisyal na sagisag ng Bayan ng El Nido
Sagisag
Mapa ng Palawan na nagpapakita sa lokasyon ng El Nido.
Bansa Pilipinas
Rehiyon MIMAROPA
Lalawigan Palawan
Distrito Unang Distrito ng Palawan
Mga barangay 18
Pamahalaan
 • Punong-bayan Dr. Leonor Dangan-Corral
Lawak
 • Kabuuan 923.26 km2 (356.47 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 36,191
Zip Code 5313
Kodigong pantawag 48
PSGC 175312000
Website www.elnidotourism.com
Sensus ng populasyon ng
El Nido, Palawan
Senso Populasyon +/-
1990 18,832
1995 21,948 3.1%
2000 27,029 4.57%
2007 30,249 1.56%
2010 36,191 2.50%
Ang El Nido mula sa himpapawid
The limestone islands of El Nido

Ang Bayan ng El Nido ay isang bayan at marine reserve park sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ito ay may 420 kilometrong layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ayon sa senso noong 2000, nagtala ito ng 27,029 na populasyon sa 5,191 na kabahayan. 85% ng mga tao dito ay naninirahan sa mga bukirin, samantalang 15% na nalalabi ay makikita sa Población (town proper).

Ang bayan ay makikita sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Palawan. Ito ay binubuo ng 45 na mga pulo na may iba't ibang itsura at porma. Katulad ng kabuuang Palawan, ang El Nido ay kabilang sa Eurasian Plate, isang plate na hiwalay sa Philippine Plate na siyang kinabibilangan ng kabuuang bansa. Ang mga limestone cliffs na matatagpuan dito ay katulad ng mga matatagpuan sa Ha Long Bay sa Vietnam, Krabi sa Tailanda at Guillin sa Tsina na bahagi rin ng Eurasian Plate.

Pamahalaan[baguhin]

Noong panahon ng mga Espanyol, ang El Nido ay parte ng Probinsiya ng Castilla, kung saan ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Taytay. Ngunit noong 1916 ito ay inihiwalay sa munisipyo ng Taytay at naging isang malayang bayan.

Ang El Nido ay nahahati sa 18 mga barangay:

  • Bagong Bayan
  • Buena Suerte (2.ª Zona)
  • Barotuan
  • Bebeladan
  • Corong-corong (4ª Zona)
  • Mabini (anteriormente Oton)
  • Manlag
  • Masagana (3.ª Zona)
  • New Ibajay
  • Pasadeña
  • Maligaya (4.ª Zona)
  • San Fernando
  • Sibaltan
  • Teneguiban
  • Villa Libertad
  • Villa Paz
  • Bucana
  • Aberawan

Mga Kawing Panlabas[baguhin]