Helena Benitez

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Helena Z. Benitez

Panunungkulan
Hunyo 30, 1984 – Marso 25, 1986

Panunungkulan
Hunyo 12, 1978 – Hunyo 30, 1984

Panunungkulan
Disyembre 30, 1967 – Setyembre 23, 1972

Kapanganakan 27 Hunyo 1914 (1914-06-27) (100 taong gulang)
Maynila, Pilipinas
Kabansaan Pilipino
Tirahan Lungsod Dasmariñas, Cavite
Alma mater Philippine Women's University
Hanapbuhay Tagapangulo ng Lupon ng mga Katiwala
Relihiyon Katoliko

Si Helena Zoila Tirona Benitez (Hunyo 27, 1914, Maynila) ay dating politiko sa Pilipinas at tagapangasiwa ng Philippine Women's University. Nanungkulan siya sa Senado ng Pilipinas mula 1967 hanggang sa pagsasara ng Kongreso nang ideklara ang Batas Militar noong 1972 at sa Batasang Pambansa mula 1978 hanggang buwagin ito noong 1986. Si Benitez din ang nagtatag at nagtaguyod ng Bayanihan Dance Company.

Personal na buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Anak ng mga respetadong edukador si Helena Benitez. Ang kaniyang inang si Francisca Tirona ay isa sa mga nagtatag ng Philippine Women's College (ngayo'y Philippine Women's University) noong 1932; ang ama naman niyang si Conrado Benitez isang pensionado noong panahon ng mga Amerikano, ay naging delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1935 at naging unang dekano ng Kolehiyo ng Administrasyong Pangkalakalan ng Unibersidad ng Pilipinas.[1]

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagtapós na magna cum laude sa Sining at Edukasyon mula PWU si Benitez. Nagpatuloy siya ng kaniyang graduwadong pag-aaral sa George Washington University at Iowa State College para sa kaniyang master's degree at sa University of Chicago.

Buhay pulitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Sumabak si Benitez sa pulitika noong 1967 nang tumakbo siyang senador sa ilalim ng Partido Nacionalista ni Ferdinand Marcos. Nanalo siya nang pumangwalo sa halalan sa pagka-senador. Sa Senado, isinulong ni Benitez ang mga batas na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kalikasan, konserbasyong ng Haribon.

Parangal[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Mayo 14, 1998, ginawaran ni Pangulong Fidel Ramos si Benitez ng Orden ni Sikatuna na may ranggong "Datu" — ang kauna-unahang babaeng nakatanggap ng naturang parangal.[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Bueza, Michael. "Fast Facts: Helena Zoila Benitez is 100 years old." Rappler, 27 Hunyo 2014. Web. 29 Hunyo 2014.



PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.