Homo ergaster

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Homo ergaster
Hangganan ng fossil: Pleistocene, 1.8–1.3 milyong taon ang nakalilipas
Skull KNM-ER 3733 discovered by Bernard Ngeneo in 1975 (Kenya)
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Primates
Pamilya: Hominidae
Sari: Homo
Espesye: H. ergaster
Pangalang dalawahan
Homo ergaster
Groves and Mazák, 1975

Ang Homo ergaster na kilala rin bilang "Aprikanong Homo erectus"[1]) ay isang extinct na chronospecies ng henus na Homo na namuhay sa silanganin at katimugang Aprikano noong panahong maagang Pleistocene sa pagitan ng 1.8 milyon at 1.3 milyong taong nakakalipas.[1]

Pinadedebatihan pa rin ng mga siyentipiko ang klasipikasyon, angkan at inapo ng Homo ergaster ngunit malawakan ngayong tinatanggap na ito ay isang direktang ninuno ng mga kalaunang hominid gaya ng Asyanong Homo erectus, Homo heidelbergensis, Homo sapiens, at Homo neanderthalensis.[2]

Klasipikasyon[baguhin]

Itinuturing ng ilang mga paleoantroplogo ang H. ergaster na simpleng uring Aprikano ng Homo erectus. Ito ay humahantong sa paggamit ng terminong "Homo erectus sensu stricto" para sa Asyanong Homo erectus, at "Homo erectus sensu lato" para sa mas malaking species na bumubuo ng parehong maagang mga populasyong Aprikano (Homo ergaster) at mga populasyong Asyano.[3][4] Iminungkahi ng ilang siyentipiko na ang Homo ergaster ang direktang ninunong Aprikano ng Homo erectus na nagmumungkahing ang Homo ergaster ay lumisan sa Aprika at lumipat sa Asya na nagsanga sa isang natatanging species.[5]

Ebolusyon[baguhin]

Ang H. ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa ninuno nitong Homo habilis sa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang angkan ng H. ergaster na lumisan sa Aprika at tumungo sa Asya ay humiwalay sa linyang ergaster at naging mga Homo erectus. Ang parehong Homo antecessor at Homo heidelbergensis ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa H. ergaster. Ang H. ergaster ay nanatiling matatag sa loob ng ca. 500,000 sa Aprika bago naglaho sa fossil record noong mga 1.4 milyong taong nakakalipas.

Mga katangian[baguhin]

Ang Homo ergaster ay gumamit ng mas iba iba at mga sopistikadong kasangkapang bato kesa sa ninuno nitong Homo habilis. Nilinang nito ang namanang Oldowan at pinaunlad ang unang mga palakol na Acheulean[6] Bagaman ang paggamit ng mga kasangkapang Acheulean ay nagsimula noong ca. 1.6 milyong taong nakakalipas, ang linyang H. erectus ay humiwalay noong mga 200,000 taong nakakalipas bago ang pangkalahatang pagpapakilala ng teknolohiyang Acheulean at kaya ang mga inapong Asyano ng H. ergaster ay hindi gumamit ng teknolohiyang Acheulean.

Ang dipormismong seksuwal sa H. ergaster ay malaking nabawasan mula sa mga ninuno nitong australopithecine (mga 20%[7]) ngunit mas malaki pa rin kesa sa dimorpismo sa mga modernong tao. Ang nabawasang dimorpismong ito ay pinagpapalagay na tanda ng nabawasang kompetisyon para sa mga makakatalik sa pagitan ng mga lalake nito. [8]

Ang mga mga H.ergaster ay katulad ng mga modernong tao sa organisasyon at pakikisalamuha kesa sa anumang mas naunang mga species. Pinaniwalaang ang H.ergaster ang unang hominin na kumontrol sa apoy o nakakalikha ng apoy ngunit pinagtatalunan pa rin ito ng mga siyentipiko. Ngayong pinaniniwalanag ang Homo erectus ang nakakontrol ng apoy [9] gayundin ang ibang mga hominin na nagsasalo ng karaniwang ninuo sa H.ergaster.

Ayon sa BBC series na Walking With Cavemen, ang Homo ergaster ang malamang na unang hominid na gumamit ng "makikilalang isang tinig ng tao" bagaman ang kognisyong simboliko ay malamang na limitado kumpara sa mga modernong tao. Pinaniniwalaang ang H.ergaster ay nalilimitahan sa kakayahang pisikal nito sa pagreregula ng paghinga at paglikha ng mga masalimuot na tunog. Ito ay batay sa cervical vertebrae ng Turkana boy na higit na mas makitid kesa sa mga kalaunang tao. Ang mga natuklasang cervical vertebrae sa Dmanisi, Georgia noong mga mas maagang 300,000 taon kesa sa Turkana boy ay nasa loob ng normal na saklaw ng tao. [10]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Hazarika, Manji (16–30 June 2007). "Homo erectus/ergaster and Out of Africa: Recent Developments in Paleoanthropology and Prehistoric Archaeology". 
  2. G. Philip Rightmire (1998). "Human Evolution in the Middle Pleistocene: The Role of Homo heidelbergensis". Evolutionary Anthropology. 
  3. Antón, S. C. (2003), Natural history of Homo erectus. Am. J. Phys. Anthropol., 122: 126–170. doi:10.1002/ajpa.10399 "By the 1980s, the growing numbers of H. erectus specimens, particularly in Africa, led to the realization that Asian H. erectus (H. erectus sensu stricto), once thought so primitive, was in fact more derived than its African counterparts. These morphological differences were interpreted by some as evidence that more than one species might be included in H. erectus sensu lato (e.g., Stringer, 1984; Andrews, 1984; Tattersall, 1986; Wood, 1984, 1991a, b; Schwartz and Tattersall, 2000)." ... "Unlike the European lineage, in my opinion, the taxonomic issues surrounding Asian vs. African H. erectus are more intractable. The issue was most pointedly addressed with the naming of H. ergaster on the basis of the type mandible KNM-ER 992, but also including the partial skeleton and isolated teeth of KNM-ER 803 among other Koobi Fora remains (Groves and Mazak, 1975). Recently, this specific name was applied to most early African and Georgian H. erectus in recognition of the less-derived nature of these remains vis à vis conditions in Asian H. erectus (see Wood, 1991a, p. 268; Gabunia et al., 2000a). It should be noted, however, that at least portions of the paratype of H. ergaster (e.g., KNM-ER 1805) are not included in most current conceptions of that taxon. The H. ergaster question remains famously unresolved (e.g., Stringer, 1984; Tattersall, 1986; Wood, 1991a, 1994; Rightmire, 1998b; Gabunia et al., 2000a; Schwartz and Tattersall, 2000), in no small part because the original diagnosis provided no comparison with the Asian fossil record."
  4. Suwa, Gen, Yohannes Haile-Selassie, Tim White, Shigehiro Katoh, Giday Woldegabriel, William K. Hart, Hideo Nakaya, Yonas Beyene. 2007. Early Pleistocene Homo erectus fossils from Konso, southern Ethiopia. Anthropological Science Vol. 115 No. 2 p 133-151 doi:10.1537/ase.061203 joi:JST.JSTAGE/ase/061203
  5. Tattersall, Ian and Jeffrey Schwartz (2001). Extinct Humans. Boulder, Colorado: Westview/Perseus. ISBN 0-8133-3482-9. 
  6. Beck, Roger B.; Linda Black, Larry S. Krieger, Phillip C. Naylor, Dahia Ibo Shabaka, (1999). World History: Patterns of Interaction. Evanston, IL: McDougal Littell. ISBN 0-395-87274-X. 
  7. McHenry, Henry M. (1994). "Behavioral ecological implications of early hominid body size". Academic Press Limited. 
  8. Gray, Peter B. (2010). "The Evolution and Endocrinology of Human Behavior: a Focus on Sex Differences and Reproduction". Cambridge, UK: Cambridge University Press. pp. 277-292. ISBN 978-0-521-70510-3. 
  9. Goren-Inbar, Naama, et al.; Alperson, N; Kislev, ME; Simchoni, O; Melamed, Y; Ben-Nun, A; Werker, E (30 April 2004). "Evidence of Hominin Control of Fire at Gesher Benot Ya 'aqov, Israel". Science 304 (5671): 725–727. doi:10.1126/science.1095443. PMID 15118160. 
  10. Bruce Bower (6 May 2006). "Evolutionary Back Story: Thoroughly Modern Spine Supported Human Ancestor". Science News Online 169 (18): 275.