Hurasiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Panahong Hurasiko
199.6–145.5 milyong taon ang nakalilipas
J
Mean na atmosperikong nilalamang O2sa loob ng tagal ng panahon ca. 26 Bolyum %[1]
(130 % ng modernong lebel)
Mean na atmosperikong nilalamang CO2 sa tagal ng panahon ca. 1950 ppm[2]
(7 mga beses sa lebel na pre industriyal)
Mean na temperatura ng surpasyo(ibabaw) sa loob ng tagal ng panahon ca. 16.5 °C[3]
(3 °C na higit sa modernong lebel)
Mga mahahalagang pangyayari sa Hurasiko
Isang tinatayang iskalang panahon ng mahahalagang mga pangyayaring hurasiko.
Aksis na bertikal: mga milyong taon ang nakalilipas.

Ang Hurasiko (Ingles: Jurassic) ay isang panahong heolohiko na sumasklaw mula 199.6 milyong taon ang nakalilipas hanggang 145.5 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay nasa pagitan ng panahong Triassiko at Cretaceous. Ang panahong ito ay binubuo ng gitnang panahon ng Erang Mesozoiko na kilala rin bilang Panahon ng mga Reptilya. Ang simula ng panahong ito ay minarkahan ng isang malaking pangyayaring ekstinksiyon na Triasiko-Hurasiko. Gayunpaman, ang huli nang panahong ito ay hindi nakasaksi ng anumang malaking pangyayaring ekstinksiyon. Ang Jurassic ay ipinangalan sa Mga bundok na Jura sa loob ng Alps na Europeo kung saan ang stratang batong apog mula sa panahong ito ay unang natukoy. Sa simula ng Hurasiko, ang superkontinenteng Pangaea ay nagsimulang maghiwalay sa dalawang mga masa ng lupain: ang Laurasia sa hilaga at ang Gondwana sa timog. Ito ay lumikha ng mas maraming mga baybayin at naglipat ng klimang kontinental mula sa tuyo tungo sa mahalumigmig at maraming mga tuyong disyerto ay pinalitan ng mga saganang ulang gubat. Ang mga dinosauro ay nanaig sa lupain at umabot sa rurok nito sa panahong ito habang ang mga ito ay sumailalim sa dibersipikasyon sa iba't ibang mga pangkat. Ang unang mga ibon ay lumitaw rin sa panahong ito na nag-ebolb mula sa isang sangay ng mga dinosaurong theropod. Ang mga karagatan ay tinatahanan ng mga reptilyang pang-dagat gaya ng mga ichthyosaur at plesiosaur samantalang ang mga pterosauro ang nananaig na mga bertebratang lumilipad. Ang mga mamalya ay umiral rin sa panahong ito. Gayunpaman, ang mga ito ay nasapawan ng mga dinosauro at ang mga mamalyang ito ay bumubuo lamang sa isang maliit at hindi mahalagang bahagi ng biospero.

Mga dibisyon[baguhin]

Ang panahong Hurasiko ay nahahati sa Simulang Hurasiko, Gitnang Hurasiko at Huling Hurasiko. Ang sistemang Hurasiko sa stratigrapiya ay nahahati sa Mababang Hurasiko, Gitnang Hurasiko at Itaas na Hurasiko na serye ng mga pagkakabuong bato na kilala rin bilang mga Lias, Dogger at Malm sa Europa.[4] Ang paghihiwalay ng terminong Hurasiko sa tatlong mga seksiyon ay bumabalik kay Leopold von Buch (* 1774, † 1853).[5] Ang mga yugtong pang-fauna na mula sa pinakabata hanggang pinakamatanda ang sumusunod:

Itaas/Huling Hurasiko
  Tithonian (150.8 ± 4.0 – 145.5 ± 4.0 Mya)
  Kimmeridgian (155.7 ± 4.0 – 150.8 ± 4.0 Mya)
  Oxfordian (161.2 ± 4.0 – 155.7 ± 4.0 Mya)
Gitnang Hurasiko
  Callovian (164.7 ± 4.0 – 161.2 ± 4.0 Mya)
  Bathonian (167.7 ± 3.5 – 164.7 ± 4.0 Mya)
  Bajocian (171.6 ± 3.0 – 167.7 ± 3.5 Mya)
  Aalenian (175.6 ± 2.0 – 171.6 ± 3.0 Mya)
Mababa/Simulang Hurasiko
  Toarcian (183.0 ± 1.5 – 175.6 ± 2.0 Mya)
  Pliensbachian (189.6 ± 1.5 – 183.0 ± 1.5 Mya)
  Sinemurian (196.5 ± 1.0 – 189.6 ± 1.5 Mya)
  Hettangian (199.6 ± 0.6 – 196.5 ± 1.0 Mya)
Ang mga malalaking dinosauro ay gumala sa mga kagubatan ng parehong malalaking mga konipero sa panahong Hurasiko.

Paleoheograpiya at tektonika[baguhin]

Sa Simulang Hurasiko, ang superkontinenteng Pangaea ay nahati sa hilagaang superkontinenteng Laurasya at ang katimugang superkontinenteng Gondwana. Ang Gulpo ng Mehiko ay nagbukas sa bagong paghihiwalay sa pagitan ng Hilagang Amerika at sa ngayong Peninsulang Yucatan sa Mehiko. Ang Hurasikong Hilagang Karagatang Atlantiko ay relatibong makitid samantalang ang Timog Atlantiko ay hindi nagbukas hanggang sa sumunod na panahong Kretaseyoso nang ang mismong Gondwana ay nahati.[6] Ang Karagatang Tethys ay nagsara at ang basin na Neotethys ay lumitaw. Ang mga klima ay katamtamang mainit na walang ebidensiya ng glasiasyon(pagyeyelo). Gaya ng sa panahong Triasiko, walang maliwanag na lupain sa anuman sa mga polo at walang ekstensibong mga kap ng yelong umiral. Ang rekord na heolohiko ng panahong Hurasiko ay mahusay sa kanluraning Europa kung saan ang mga ekstensibong marinong mga pagkakasunod ay nagpapakita ng panahon nang ang karamihan ng kontinente ay lumubog sa ilalim ng mababaw na mga dagat tropiko. Ang mga kilalang locale ay kinabibilangan ng Baybaying Hurassik(na isang World Heritage Site) at ang kilalang huling Hurasikong lagerstätten ng Holzmaden atSolnhofen.[7] Salungat dito, ang rekord ng panahong Hurasiko sa Hilagang Amerika ang pinakamasahol ng epoch na Mesosoiko na may ilang mga nakausling patong ng bato sa ibabaw.[8] Bagaman ang epikontinental na Dagat Sundance ay nag-iwan ng mga marinong deposito sa mga bahagi ng hilagaang kapatagan ng Estados Unidos at Canada sa panahong Hurasiko, ang karamihan ng mga nalantad ng sedimento mula sa panahong ito ay pang-kontinente gaya ng mga depostong alluvial ng Pormasyong Morrison. Ang panahong Hurasiko ay isang panahon ng dagat kalsitong heokemiko na ang mababa sa magnesium na kalsito ang pangunahing inorganikong presipitato ng kalsiyum karbonata. Ang mga matitigas na lupaing karbonata ay kaya napaka karaniwan kasama ng mga ooid na kalsitiko, mga sementong kalsitiko at mga faunang inbertebrata na may mga nanaig na kalansay na kalsitiko. (Stanley and Hardie, 1998, 1999). Ang unang ilang mga malalaking mga batholitho ay nailagay sa hilagaang kordilyerang Amerikano sa simula ng Gitnang Hurasiko na nagmamarka ng oreheniyang Nevadan.[9] Ang mga mahahalagang pagkakalantad na Hurasiko ay matatagpuan sa Rusya, Indiya, Timog Amerika, Austalasya at Nagkakaisang Kaharian(UK). Sa Aprika, ang strata ng Simulang Hurasiko ay naipamahagi sa isang katulad na anyo sa mga kama ng Huling Triasiko na may mas karaniwang mga nakausling paton sa timog at hindi mas karaniwang mga kamang fossil na pinanaigan ng mga track sa hilaga.[10] Habang ang panahong Hurasiko ay nagpapatuloy, ang mas malaki at mas ikonikong mga pangkat ng mga dinosauro tulad ng mga sauropoda at mga ornithopoda ay lumaganap sa Aprika. [10] Ang stratang Gitnang Hurasiko ay hindi kinakatawan o mahusay na napag-aralan sa Aprika. [10] Ang stratang Huling Hurasiko ay masahol ring kinakatawan maliban sa spektakular na faunang Tendenguri sa Tanzani. [10] Ang buhay sa Huling Hurasiko ng Tendenguri ay labis na katulad ng Promasyong Paleobiota ng Morisson na natagpuan sa kanluraning Pormasyong Morrison ng Hilagang Amerika.[10]

Fauna[baguhin]

Akwatiko at marino[baguhin]

Sa panahong Hurasiko, ang mga pangunahing bertebratang namumuhay sa mga dagat ang mga isda at mga marinong reptilya. Ang huli ay kinabibilangan ng mga ichthyosauro na nasa rurok ng dibersidad nito, ang mga plesiosauro, mga pliosauro at mga marinong buwaya ng mga pamilyang Teleosauridae at Metriorhynchidae.[11] Sa daigdig na inbertebrata, ang ilang mga bagong pangkat ay lumitaw kabilang ang mga rudista(isang bumubuo ng reef na uri ng mga bibalbo) at ang mga belemnite. Ang mga kalkareyosong sabellid (Glomerula) ay lumitaw sa Simulang Hurasiko. [12]Ang panahong Hurasiko ay mayroon ring dibersong nagkukrusto at bumubutas na mga pamayanang(sclerobiont) at ito ay nakakakita ng isang mahalagang pagtaas sa mga bioerosyon ng mga shell na karbonata at mga matitigas na lupain. Ang lalong mga karnaiwan ang ichnogenus (bakas na fossil) Gastrochaenolites.[13] Sa panahong Hurasiko, ang mga apat o limang mga labindalawang klado ng mga organismong plaktoniko na umiiral sa fossil rekord ay nakaranas ng isang malaking ebolusyonaryong radiasyong pag-aangkop o lumitaw sa unang pagkakaton. [4]

Pang-lupain[baguhin]

Sa lupain, ang malalaking mga reptilyang archosauro ay nanatiling nananaig. Ang panahong Hurasiko ay isang ginintuang panahon para sa mga malalaking herbiborosong mga dinosauro na kilala bilang mga sauropodaCamarasaurus, Apatosaurus, Diplodocus, Brachiosaurus, at maraming iba pa na gumala sa lupain sa Huling Hurasiko. Ang kanilang mga suporta ang mga prairie ng mga fern], mga tulad ng palmang cycad at bennettitales, o ang mas mataas na paglagong koniperoso ayon sa mga pag-aangkop nito. Ang mga ito ay sinila ng mga malalaking theropoda gaya halimbawa ng Ceratosaurus, Megalosaurus, Torvosaurus at Allosaurus. Ang lahat ng mga ito ay kabilang sa may balakang na butiki o sangay na saurischia ng mga dinosauro.[14] Sa Huli ng Hurasiko, ang unang mga ibon tulad ng Archaeopteryx ay nag-ebolb mula sa maliliit na na mga coelurosauriyanong dinosauro. Ang mga Ornithischian na mga dinosauro ay hindi nananaig sa mga saurischian na dinosauro bagaman ang ilan tulad ng mga stegosauro at ang malilit na mga ornithopoda ay gumampan ng mahahalagang mga papel bilang maliliit at katamtaman hanggang malalaking mga herbibora. Sa himpapawid, ang mga ptesauro ay karaniwan. Ang mga ito ay naghari sa mga himpapawid na pumupuno ng maraming mga katungkulang ekolohikal na kinuha na ngayon ng mga ibon.[15] Sa loob mga mababang lumalagong mga halamanan ay ang iba't ibang mga uri ng sinaunang mamalya gayundin ang mga tulad ng mamalyang mga reptilyang tritylodont, ang tulad ng butiking mga sphenodonts at sinaunang mga lissamphibia. Ang mga natitira ng mga Lissamphibia ay nag-ebolb sa panahong ito na nagpapakilala ng mga unang salamander at mga caecilian.[16]

Flora[baguhin]

Ang mga konipero ang nananaig na mga halamang panglupain sa panahong Hurasiko.

Ang tuyo at mga kondisyong kontinental na karakteristiko ng panahong Triasiko ay patuloy na gumagaan sa panahong Hurasiko lalo na sa mga mas matataas na latitudo. Ang katamtamang init, mahalumigmig na klima ay pumayag sa mga kagubatan na tumakip sa karamihan ng mga lupain.[17] Ang hymnosperma ay relatibong diberso sa panahong Hurasiko. [4] Ang mga konipero sa partikular ay nananaig sa flora gaya ng sa panahong Triasiko. Ang mga ito ang pinaka dibersong pangkat at bumubuo ng karamihan ng mga malalaking puno. Ang mga umiiral sa kasalukuyang mga pamilya ng konipero na yumabong sa Hurasiko ay kinabibilangan ng Araucariaceae, Cephalotaxaceae, Pinaceae, Podocarpaceae, Taxaceae at Taxodiaceae.[18] Ang ekstinkt na pamilyang konipero sa epoch na Mesosoiko na Cheirolepidiaceae ay nanaig sa mababang latitudong halamanan gayundin din ang mga mapalumpong Bennettitales.[19] Ang mga Cycad ay karaniwan rin gayungdin ang mga ginkgo at mga punong fern sa kagubatan. [4] Ang mas maliliit na mga fern ay malamang na nananaig sa mababang mga halamanan. Ang mga Caytoniacea ay isa pang pangkat ng mga mahahalgang halaman sa panahong ito at inakalang may sukat na palumpong hanggang maliit na puno. [20] Ang mga halamang ginkgo ay partikular na karaniwan sa gitna hanggang matataas na mga latitudo. [4] Sa katimugang Hemispero, ang mga podocarpo ay lalong matagumpay samantalang ang mga gingkgo at mga Czekanowskiales ay bihira.[17][19] Sa mga karagatan, ang mga modernong mga coralline algae ay lumitaw sa unang pagkakaton. [4]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Image:Sauerstoffgehalt-1000mj.svg
  2. Image:Phanerozoic Carbon Dioxide.png
  3. Image:All palaeotemps.png
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 Kazlev, M. Alan (2002) Palaeos website Accessed July. 22, 2008
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Pie.C5.84kowski_et_al..2C_2008); $2
  6. Late Jurassic
  7. Jurassic Period
  8. map
  9. Monroe and Wicander, 607.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 Jacobs, Louis, L. (1997). "African Dinosaurs". Encyclopedia of Dinosaurs. Edited by Phillip J. Currie and Kevin Padian. Academic Press. p. 2-4.
  11. Motani, R. (2000), Rulers of the Jurassic Seas, Scientific American vol.283, no. 6
  12. Vinn, O.; Mutvei, H. (2009). "Calcareous tubeworms of the Phanerozoic". Estonian Journal of Earth Sciences 58 (4): 286-296. http://www.kirj.ee/public/Estonian_Journal_of_Earth_Sciences/2009/issue_4/earth-2009-4-286-296.pdf. Hinango noong 2012-09-16. 
  13. Taylor, P. D.; Wilson, M. A. (2003). "Palaeoecology and evolution of marine hard substrate communities". Earth-Science Reviews 62 (1–2): 1–103. Bibcode 2003ESRv...62....1T. doi:10.1016/S0012-8252(02)00131-9. 
  14. Haines, Tim (2000). Walking with Dinosaurs: A Natural History. New York: Dorling Kindersley. ISBN 0-7894-5187-5. 
  15. Feduccia, A. (1996). The Origin and Evolution of Birds. New Haven: Yale University Press. ISBN 0-300-06460-8. 
  16. Carroll, R. L. (1988). Vertebrate Paleontology and Evolution. New York: WH Freeman. ISBN 0-7167-1822-7. 
  17. 17.0 17.1 Haines, 2000.
  18. Behrensmeyer et al., 1992, 349.
  19. 19.0 19.1 Behrensmeyer et al., 1992, 352
  20. Behrensmeyer et al., 1992, 353
Pinangunahan ng Eon na Proterosoiko 542 Ma - Eon na Panerosoiko - Kasalukuyan
542 Ma - Era na Paleosoiko - 251 Ma 251 Ma - Era na Mesosoiko - 65 Ma 65 Ma - Era na Cenosoiko - Kasalukuyan
Kambriyano Ordobisiyano Siluriyano Deboniyano Karboniperoso Permiyano Triasiko Hurasiko Kretaseyoso Paleohene Neohene Kwaternaryo