Kilusang Propaganda

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga kasapi sa Kilusang Propaganda. Mula kaliwa hanggang kanan: Rizal, del Pilar, Ponce.

Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Pilipinas noong 1872 hanggang 1892.[1] Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay sa pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas, pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales ang Pilipinas, pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong ng matiwasay, pagpapalathala at pagsasabi ng mga pang-aabuso at ano mang anomalya sa pamahalaan. Nilalayon ng kilusang ito nahumingi sa pamahalaang kastilang mga reporma sa mapayapang pamamaraan.

Itinatag ito ng mga Pilipinong ilustrado sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na politikal na layunin.[1] Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna--Juan at Antonio--ang ilan sa mga kasapi dito.

Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na binuo noong Disyembre 13, 1888. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas. Natapos ang paglilimbag noong 1895. May mga sipi na palihim na iniluwas sa Pilipinas at lihim namang binabasa sa mga nakapinid na mga pintuan.

Hindi nagtagumpay ang mga propangandista dahil nakaranas sila ng gutom sa Espanya, hindi sila pinakinggan ng mga prayle, hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi at pinuno, at mas pinansin ng Espanya ang kanilang panloob na usapin na dapat nilang tugunan.

Mga sanggunian[baguhin]



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.