Koyote

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Koyote (paglilinaw).
Koyote[1]
Conservation status
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Carnivora
Pamilya: Canidae
Sari: Canis
Espesye: C. latrans
Pangalang dalawahan
Canis latrans
Say, 1823
Nasasakupan ng koyote.

Ang koyote (mula sa Ingles na coyote, ganito rin sa wikang Kastila; IPA: /kaɪˈoʊti, ˈkaɪoʊt/[3]; Canis latrans), kilala rin bilang lobo ng parang (prairie gray wolf o prairie wolf sa Ingles),[4][5] ay isang mamalyang sa ordeng Carnivora. Matatagpuan ang mga uri sa kabuoan ng Hilaga at Gitnang Amerika (Sentral Amerika), mula Panama sa timog, hilagang tumatawid ng Mehiko, sa Estados Unidos, at Kanada. Lumilitaw ito hanggang sa malayong hilaga ng Alaska at lahat maliba sa pinakahilagang bahagi ng Kanada.[6] Sa kasalukuyan, mayroong mga kinikilalang mga 19 sub-uri, na 16 ang nasa Kanada, Mehiko, at Estados Unidos; at 3 sa Gitnang Amerika.[7] Hindi tulad ng pinsan nitong abong lobo, na nagmula sa Eurasia, nagmula ang koyote sa Hilagang Amerika kasabayan ng lobong Dire. Iniisip ng ilang mga eksperto na ang pinagmulang Hilagang Amerika ng koyote ang dahilan kung bakit mas adaptibo kesa mga lobo; dahil sa mga presyong prehistoriko na kinasasangkutan ng mas malawak o mas malakas na predasyon (paninila ng ibang hayop para kainin).[8]

Pangalan[baguhin]

Hinango ang pangalang "coyote" o koyote mula sa Mehikanong Kastila, na higit namang nagbuhat sa wikang Nahuatl na may salitang coyotl (bigkas: ko-liyo-telh). Nangangahulugang "asong kumakahol" ang pangalang agham nitong Canis latrans.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Wozencraft, W. C. (16 Nobyembre 2005). Wilson, D. E., at Reeder, D. M. (mga patnugot). ed. Mammal Species of the World (ika-3 edisyon ed.). Palimbagan ng Pamantasang Johns Hopkins. pp. {{{pages}}}. ISBN 0-801-88221-4. http://www.bucknell.edu/msw3. 
  2. Sillero-Zubiri & Hoffmann (2004). Canis latrans. 2006 Talaang Pula ng IUCN ng mga Nanganganib na mga Uri. IUCN 2006. Nakuha noong 5 Mayo 2006. Nasa database ang dahilan kung bakit hindi ikinababahala ang uring ito.
  3. coyote - mga kahulugan sa Dictionary.com
  4. prairie wolf. The Columbia Encyclopedia, ika-6 na edisyon. 2001-07
  5. "Coyote, North American prairie wolf". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 48.
  6. "Canis latrans". Animal Diversity Web. http://animaldiversity.ummz.umich.edu/site/accounts/information/Canis_latrans.html. Nakuha noong 2007-08-15. 
  7. "Coyote". Lioncrusher's Domain. http://www.lioncrusher.com/animal.asp?animal=11. Nakuha noong 2007-08-15. 
  8. "Statement by Valerius Geist pertaining to the death of Kenton Carnegie" (PDF). Wolf Crossing. http://wolfcrossing.org/blog/wp-content/uploads/2007/10/carnegie-no1.pdf. Nakuha noong 2008-09-17.