Liliw, Laguna

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Liliw
—  Bayan  —
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Liliw.
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Laguna
Mga barangay 33
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 32,727
Zip Code 4004
Kaurian ng kita Ika-apat na Klase
PSGC 043410000

Ang Bayan ng Liliw ay Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Isa sa mga matataas na bayan ang Liliw na bumubuo sa katimugang bahagi ng lalawigan. Ayon sa senso noong 2008, may populasyon itong 32,727, kung saan ang may 6,545 kabahayan ay nasa poblasyon at sa iba ibang barangay. Tinatayang nasa 8,317 ng populasyon ay nakatira sa poblasyon o sentro ng bayan habang ang 24,410 ng populasyon ay nasa mga kalapit na barangay.

May kabuuang sukat na 88.5 milya parisukat ang bayan. Naghahanggan ito sa Sta. Cruz sa hilagang-kanluran; ng Magdalena sa hilagang-silangan; ng Majayjay sa silangan; Nagcarlan sa kanluran at ng Dolores, Quezon sa timog.

Ang kabuuang sukat ng kalupaan ay umaabot sa 5,680.65 ektarya at ito ay nahahati sa 33 barangay. Ang kabuuang sukat ng barangay sa senro ng bayan o poblasyon ay 23.32 ektarya kung saan ang natitirang ibang bahagi ng lupa sa timog at hilaga ay nakalaan sa agrikultura at pananim. Ito ay nakaposisyon sa paanan ng bundok na mayroon taas na 1,200 piye mula sa pantay-laot.

Sikat ang Liliw sa mga malalamig na tubig bukal, katutubong matatamis na gawang-bahay at sumisikat / dinadayo na industriya ng sapatos.

Ang Munisipalidad ng Liliw ay nakakaranas ng 2 uri ng panahon: Tagulan at Taginit. Ang Tag-init ay naguumpisa sa buwan ng pebrero at natatapos sa buwan ng hunyo. Ang Tagulan naman ay naguumpisa sa buwan ng Hulyo hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Kasaysayan[baguhin]

Ayon sa mga kuwento, nagmula sa isang ibon ang pangalan ng Liliw. Sinasabi na nagtayo noon ng kawayan si Gat Tayaw at ang kanyang mga taga-sunod para pangalanan ang bayan kapag may ibong tumuntong sa ibabaw ng kawayan sa loob ng apat na araw. Ngunit isang uwak ang unang tumuntong sa kawayan. Pinaniniwalan noon nila Gat Tayaw na ang uwak ay masama kaya nagtayo muli sila ng kawayan. Isang magandang ibon ang tumuntong sa kawayan at umawit, "Liw, Liw. Liw". Doon nagmula ang pangalan ng Liliw.

Sa buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang pangalang Liliw ang ginamit. Ngunit nang dumating ang mga Amerikano, naging Lilio ito dahil mas madali itong bigkasin ng mga Amerikano kaysa sa Liliw. Subalit, noong 11 Hunyo 1965, inihayag ng konseho munisipal ng sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 38-5-65 na nagsasabi na ang opisyal na pangalan ng bayan ay Liliw. Ito ay ipinasa upang hindi magdulot ng kalituhan sa pagbigkas at pagbaybay sa pangalan ng bayan.

Uri ng Transportasyon[baguhin]

Ang karaniwang uri ng transportasyon sa Liliw ay Dyip, Tricycle at Pribadong sasakyan. Ang Liliw ay madaling mararating gamit ang pampublikong sasakyan o dyip na me ruta o regular na byahe mula sa Sta.Cruz o kya ay mula sa San Pablo City.

Uri ng Komunikasyon[baguhin]

Ang Komunikasyon / Telekomunikasyon ay hindi rin problema sa Liliw. Ang Post Office o Opisina Postal ay nasa mismong bayan sa tabi ng Munisipyo ng Liliw. Ang PLDT – Philippines Long Distance Telephone Company ay nagbibigay rin ng pasilidad sa komunikasyon gamit ang mga linya ng telepono. Ang malalaking kumpanya ng telekomunikasyon gaya ng Globe at Smart ay mayroon din cell site na nagbibigay ng signal para sa komunikasyon gamit ang cell phones sa pagtawag at pagteteks. Lahat ng uri ng malalaking pahayagan o dyaryo ay nabibili sa bayan. Ang mga taga liliw ay nakaka-konek sa Internet gamit ang mga serbisyong ibinibigay ng PLDT at Smart Broadband. Ang Cable Television naman ay bukas din sa serbisyo para mula sa Community Cable Television.

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Liliw ay nahahati 33 barangay.

  • Bagong Anyo (Pob.)
  • Bayate
  • Bubukal
  • Bongkol
  • Cabuyao
  • Calumpang
  • Culoy
  • Dagatan
  • Daniw (Danliw)
  • Dita
  • Ibabang Palina
  • Ibabang San Roque
  • Ibabang Sungi
  • Ibabang Taykin
  • Ilayang Palina
  • Ilayang San Roque
  • Ilayang Sungi
  • Ilayang Taykin
  • Kanlurang Bukal
  • Laguan
  • Rizal (Pob.)
  • Luquin
  • Malabo-Kalantukan
  • Masikap (Pob.)
  • Maslun (Pob.)
  • Mojon
  • Novaliches
  • Oples
  • Pag-Asa (Pob.)
  • Palayan
  • San Isidro
  • Silangang Bukal
  • Tuy-Baanan

Kawing Panlabas[baguhin]

Coordinates: 14°08′ N 121°26′ E