Mamag

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mamag
Mamag ng Pilipinas (Philippine Tarsier, Tarsius syrichta)
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorrhini
Impraorden: Tarsiiformes
Gregory, 1915
Pamilya: Tarsiidae
Gray, 1825
Sari: Tarsius
Storr, 1780
Type species
Lemur tarsier
Erxleben, 1777
Mga uri

Tarsius syrichta
Tarsius bancanus
Tarsius tarsier
Tarsius dentatus
Tarsius lariang
Tarsius pelengensis
Tarsius sangirensis
Tarsius pumilus

Isang mamag sa Bohol.

Ang mamag,[1] na kilala sa Ingles bilang tarsier[2] ay isang bertebrado sa klaseng mamalya. Isa ito sa pinakamaliit na mamalyang hayop na nagpapasuso sa mga anak. Isa itong nokturnal o panggabing hayop. Aktibo lamang ang mga mamag tuwing gabi kung kailan naghahanap sila ng kanilang mga makakain. Kilala ang mga mamag sa taglay nilang mga naglalakihang mata. Ito ang tumutulong sa kanila upang makahanap ng mga makakain sa gitna ng kagubatan. Sa Timog Silangang Asya karamihang matatagpuan ang mga mamag. Pinakatanyag ang mga uring makikita sa Indonesya at Pilipinas. Sa Pilipinas makikita ang mga ito sa lalawigan ng Bohol sa Gitnang Visayas. Tinatawag din itong mawmaw (maomao) o maomaog.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Mamag" (Tagalog), Tarsier, Tarsius Philippensis, AC.wwu.edu
  2. Groves, Colin (Nobyembre 16, 2005). Wilson, D. E., at Reeder, D. M. (mga patnugot). ed. Mammal Species of the World (Ika-3 ed.). Johns Hopkins University Press. pp. 127-128. ISBN 0-801-88221-4. http://www.bucknell.edu/msw3. 



MamalyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.