Manipesto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang manipesto[1] (mula sa manifesto ng Kastila; Ingles: manifest, manifest) ay ang lantarang pahayag o deklarasyon sa publiko ng isang pangulo, hari, pamahalaan o katawan ng mga tao. Ilan sa mga halimbawa nito ang Manipesto ng Partidong Komunista nina Karl Marx at Friedrich Engels, ang mga nilimbag na pahayag ng mga nag-aaklas na mga manggagawa, at ang talaan ng mga kargamento mula sa mga naglalakbay na sasakyang tulad ng barko o eroplano. Sa payak na kahulugan, ang manipesto ay isang "pagpapakilala" o "pagpapahayag".[2]

Sanggunian[baguhin]

  1. "Manipesto, manifesto". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. De Guzman, Maria Odulio. (1968/2005). "Manifest". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.