Max Alvarado

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Max Alvarado
Kapanganakan Gavino Maximo Teodosio
19 Pebrero 1929(1929-02-19)
Maynila, Pilipinas
Kamatayan 6 Abril 1997 (edad 68)
Kalakhang Maynila, Pilipinas
Iba pang pangalan Maximo Pompling
Pompling (palayaw)

Si Max Alvarado ay isang artistang Pilipino na unang nakilala sa pangalang Maximo Pompling. Gumanap siya sa maraming pelikula at karamihan doon bilang isang kontrabida.

Una siyang lumabas sa isang pelikulang giyera, ang Kayumanggi, nina Ester Magalona at Leopoldo Salcedo. Sumunod dito ay isa na namang pelikulang tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Halik sa Bandila, na kapwa gawa ng Premiere Production.

Taong 1951 ng pamasama siya sa pelikulang halaw sa sinulat ni Dr Jose Rizal, ang Sisa kung saang ginampanan niya ang papel ng isang bandido.

Noong 1957 napasama rin siya sa pelikula ng Premiere, ang Bicol Express kung saan may pitong kuwento at siya ay gumaganap din bilang isang komedyante noong dekada 1960 at 1970.

Nasubukan din niyang maging bida sa pelikulang Alias Chain Gang noong 1967 at isa sa kanyang mga ginampanan na di malilimot ng nakararami ay si Lisardo ang kontrabida sa Ang Panday na pinagbidahan naman ni Fernando Poe, Jr. na mahigpit na kalaban ng Panday.

Pelikula[baguhin]