Michael Phelps

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Michael Phelps
Phelpsbeijing.jpg

Michael Phelps sa Olimpikong Beijing 2008

Pangkatauhang kabatiran
Buong pangalan: Michael Fred Phelps
(Mga) palayaw: Ang Bala ng Baltimore[1]
Bansa: Flag of the United States Mga Nagkakaisang Estado
(Mga) kampay: Paru-paro, Pangisahang Balabalaki, Malayang-estilo, Himbalangay
Samahan: Samahang Wolverine,
Pamantasan ng Michigan
Petsa ng kapanganakan: 30 Hunyo 1985 (1985-06-30) (edad 29)
Lugar ng kapanganakan: Baltimore, Maryland, Mga Nagkakaisang Estado
Tangkad: talampakan 4 da (1.93 m)
Bigat: 200 libra (91 kg)

Si Michael Fred Phelps (ipinanganak noong Hunyo 30, 1985) ay isang Amerikanong malalangoy. Siya ay gintong medalistang Olimpiko (ang pinakamarami sa anumang Olimpiyano) at kasalukuyang may hawak siyang pitong pandaigdigang tala sa paglalangoy.

Si Phelps ay may hawak ng tala ukol sa pinakamaraming gintong medalya na nanalo sa isang Olimpiko na may walong ginto na napanalunan sa Palarong Olimpiko 2008. Nang dahil sa mga tala, nilampasan niya si Mark Spitz, na isa ring malalangoy at nagkaroon ng pitong gintong medalya na napanalunan niya sa Palarong Olimpiko 1972.

Lahat-lahat, si Phelps ay nakapanalo ng 16 na Olimpikong medalya: anim na ginto at dalawang tanso sa Atenas noong 2004, at walong ginto sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing. Sa pagpapanalo ng mga medalyang ito, siya ay may dalawang beses na katumbas sa manlalarong Sobyet sa himnastika na si Alexander Dityatin na nakatala ng walong medalya (ng anumang uri) sa isang Olimpiko; nagkamal si Dityatin ng walo sa 1980 Olimpikong Tag-init, samantala nanalo si Phelps ng walong medalya sa 2004 Olimpikong Tag-init at 2008 Olimpikong Tag-init. Sa kanyang mga walong gintong medalya mula sa Beijing, ang mga lima ay nanalo sa pangisahang kaganapan, pumapatas ng tala ukol sa pangisahang gintong medalya sa isang Palaro na likas na inayos ni Eric Heiden sa 1980 Olimpikong Taglamig at katumbas kay Vitaly Scherbo sa 1992 Palarong Tag-init. Nagraranggo si Phelps ng pangalawa sa kabuuang karera ng mga medalyang Olimpiko, pagkatapos kay Larissa Latynina, isang manlalarong Sobyet ng himnastika, na nanalo ng 18 medalya (siyam na ginto) sa mga tatlong sunud-sunod na Palarong Olimpiko.

Ang mga pandaigdigang titulo ni Phelps, kasama ang kanyang mga iba't ibang pandaigdigang tala, ay nakapagresulta sa kanya bilang iginawad na Gawad Pandaigdigang Malalangoy ng Taon noong 2001, 2002, 2003, 2004, 2006, at 2007. Nakapanalo si Phelps ng kabuuan ng 48 medalyang pangkarera sa ngayon: 40 ginto, anim na pilak at dalawang tanso. Kabilang dito ang lahat ng mga Kampeonato kung saan siya ay nakipagpaligsahan: Ang Olimpiko, ang Pandaigdigang Kampeonato, at ang Kampeonatong Pan Pasipiko.

Talambuhay[baguhin]

Noong nasa kanayang kabataan, sinuri si Phelps na may Kapansanang Kulang sa Pansin-Labis na Aktibo (ADHD).[2] Nagsimula siyang lumangoy sa taon ng pito, na ang bahagyang dahilan ay ang impluwensiya sa kanyang dalawang ate na kapwa malalangoy at bahagyang ibigay ang kasiyaang-loob para sa kanyang lakas. Nahasa siya sa larangan ng paglalangoy, at sa taon ng 10 nakahawak siya ng pambasang tala ukol sa kanyang pang-edad na pangkat. Sumunod nang lalo ang mga talang pangkat pang-edad, at ang mabilis na pag-unlad ni Phelps ay naging dahilan sa paghantong ng pagpasok para sa 2000 Olimpikong Tag-init sa taon ng 15.[3]

Mga unang taon sa karera[baguhin]

Silipin din: Paglalangoy sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 at Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008

Bilang batang binatilyo, nagsanay si Michael Phelps sa Samahang Pang-akwatika ng Hilagang Baltimore sa ilalim ng tagasanay na si Bob Bowman. Sa taon ng 15, nakapagpaligsahan na si Phelps sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000 sa Sydney, na naging pinakabatang Amerikanong malalangoy na lalaki sa Palarong Olimpiko sa loob ng 68 taon. Habang hindi pa nananalo ng isang medalya, nakarating siya sa huling laro at nakatapos sa ikalima sa 200 metrong paru-paro. Ipinagpatuloy ni Phelps sa paggawa ng pangalan para sa kanyang sarili magmula noon. Limang buwan pagkatapos ng Olimpikong Sydney, nakabasag si Phelps ng pandaigdigang tala sa 200 m paru-paro upang maging pinakabatang tao na nakapagtala sa pandaigdigang tala sa paglalangoy.[4] Pagkatapos nakabasag siya ng kanyang tala sa Pandaigdigang Kampeonato sa Fukuoka, Hapon sa oras ng 1:54.58. Sa 2002 Mga Pambansang Tag-init sa Fort Lauderdale, nakabasag din si Phelps ang pandaigdigang tala ukol sa 400 metrng pangisahang balabalaki at nakatala ng talang Amerikano sa 100 metrong paru-paro at 200 metrong pangisahang balabalaki.

Noong 2003, nakabasag si Phelps ng kanyang pandaigdigang tala sa 400 metrong pangisahang balabalaki (4:09.09) at sa Hunyo, nakabasag siya ng pandaigdigang tala sa 200 m pangisahang balabalaki (1:56.04). Pagkatapos sa Hulyo 7, 2004, nakabasag muli si Phelps ng kanyang pandaigdigang tala sa 400 m pangisahang balabalaki (4:08.41) sa panahon ng mga pagsubok pang-Mga Nagkakaisang Esatdo para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004.

Noong 2004, iniwan ni Phelps ang Samahang Pang-akwatika ng Hilagang Baltimore kasama si Bob Bowman upang magsanay sa Pamantasan ng Michigan para sa Samahang Wolverine.

Buhay-dalubhasaan[baguhin]

Sa kalagitnaan ng ng 2004 at 2008, pumasok si Phelps sa Pamantasan ng Michigan sa Ann Arbor, Michigan, kung saan nag-aaral ng kalakalang pampalakasan at pamamahala. Noong Mayo 2008, sinabi ni Phelps na pagpasiyang bumalik sa Baltimore kasunod ang 2008 Olimpiko, sumama kay Bob Bowman nang iniwan ang Pamantasan ng Michigan, nagsasabi, "Hindi ako pumapaling upang lumangoy para sa kahit sinuman. Iniisip ko na makakatulong kami upang tulungan ang Klub Pang-akwatika ng Hilagang Baltimore. Tinitiyak ko na magtatahan ako sa Baltimore sa susunod na taon." Ipinahayag ng samahan na lilisanin si Bowman ang Pamantasan ng Michigan upang maging punung opisyal sa tagapagpaganap ng samahan.[5]

Tinatawag si Phelps ng mga kasama sa kuponan na "Gomer" sapagka't ipinapaalala niya sa kanila tungkol kay Gomer Pyle, ang masayahin, walang kamuwangang taong-bukid na ginanap ni Jim Nabors sa The Andy Griffith Show at Gomer Pyle, U.S.M.C..[6]

Pangangatawan at paraan ng pamumuhay[baguhin]

Naglalangoy si Phelps ng 400 IM sa 2008 Missouri GP

Limang kalagayan ng pangangatawan ay naging katangian na nag-aakma sa larangan ng paglalangoy kay Phelps: ang kanyang mahabang katawan (mababang hilahod sa tubig), mga braso na may kulakdang na 6 talampakan 7 dali (201 cm) (mahaba, malakas, masibad na "gao") na tagibang sa kanyang tangkad ng 6 talampakan 4 dali (193 cm),[7] mga maiikling binti (mababang hilahod, at maaaring nagpabuti sa tulin sa pamamagitan ng paragos),[8][9] na nag-uugpungan sa laki ng 14 na talampakan (ipinapakita ang dulot ng mga palikpik) ng mabilis na paggalaw ng mga bukung-bukong na nakakapaglawak na tila pointe ng isang mananayaw ng baley, na nagbibigay ng lakas sa pagbabate ng kanyang mga paa.[10]

Ayon sa isang lathalain ng The Guardian, kinakain ni Phelps na may halos 12,000 kcal bawat araw, halos anim na beses na kinakain ng isang karaniwang balubatang lalaki.[11]

Sa loob ng Olimpikong 2008, ikinuwestiyon si Phelps ng mga taga-mediya na maaari ang kanyang tagumpay at " lubos na mabuti na maging totoo", isang sanggunian sa mga di-suportadong parali na si Phelps ay maaaring gumagamit ng mga droga ng mabuting pagsasagawa. Bilang tugon, nagpahiwatig si Phelps na nakapaglagda siya ukol sa Project Believe, isang proyekto ng Ahensiya ng Kontra-Paggamit ng Narkotiko ng Estados Unidos kung saan ang mga manlalaro mula sa Mga Nagkakaisang Estado ay may kusang magpasuri bilang butal sa mga patakaran ng Pandaigdigang Ahensiya Laban sa Paggamit ng Narkotiko.[12] Sa panahon ng Palaro, sinuri si Phelps nang siyam na beses, at pumasa sa lahat ng mga ito.[13]

Mga parangal at gawad[baguhin]

Hinahawak ni Phelps ang kanyang gintong medalya sa dais noong Agosto 10 2008. Kasama rin sa larawan na sina Ryan Lochte at László Cseh.

Mga pinagkunan:[14][15][16][17]

Mga pangunahing naisagawa[baguhin]

Mga pandaigdigang kaganapan[baguhin]

Taon Pulong Lugar Layo Kaganapan Mga resulta
2000 Olimpikong Tag-init Sydney, Awstralya 200 m Paru-paro Ika-5
2001 Pandaigdigang Kampeonato (LC) Fukuoka, Hapon 200 m Paru-paro Una (PDT)
2002 Kampeonatong Pan Pasipiko Yokohama, Hapon 200 m Paru-paro Ika-2
200 m Pangisahang Balabalaki Una
400 m Pangisahang Balabalaki Una
4 x 200 m Malayang-estilong Pagpasa Ika-2
4 x 100 m Balabalaking Pagpasa Una (PDT)
2003 Pandaigdigang Kampeonato (LC) Barcelona, Espanya 100 m Paru-paro Ika-2
200 m Paru-paro Una (PDT)
200 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
400 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
4 x 200 m Malayang-estilong Pagpasa Ika-2 (AT)
4 x 100 m Balabalaking Pagpasa Una
2004 Olimpikong Tag-init Atenas, Gresya 200 m Malayang-estilo 3rd (AT)
100 m Paru-paro Una (OT)
200 m Paru-paro Una (OT)
200 m Pangisahang Balabalaki Una (OT)
400 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
4 x 100 m Balabalaking Pagpasa Una
4 x 100 m Malayang-estilong Pagpasa Ika-3
4 x 200 m Malayang-estilong Pagpasa Una (AT)
Pandaigdigang Kampeonato[18]

(SC)

Indianapolis, Indiana, Mga Nagkakaisang Estado 200 m Malayang-estilo Una (AT)
2005 Pandaigdigang Kampeonato[19]

(LC)

Montreal, Quebec, Kanada 200 m Malayang-estilo Una
100 m Paru-paro Ika-2
200 m Pangisahang Balabalaki Una
4 x 100 m Balabalaking Pagpasa Una
4 x 100 m Malayang-estilong Pagpasa Una
4 x 200 m Malayang-estilong Pagpasa Una
2006 Kampeonato Pan Pasipiko Victoria, Kolumbiyang Britanya, Kanada 200 m Himbalangay Ika-2
200 m Paru-paro Una (PDT)
200 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
400 m Pangisahang Balabalaki Una
4 x 100 m Malayang-estilong Pagpasa Una (PDT)
4 x 200 m Malayang-estilong Pagpasa Una (AT)
2007 Pandaigdigang Kampeonato (LC) Melbourne, Victoria, Awstralya 4 x 100 m Malayang-estilong Pagpasa Una
4 x 200 m Malayang-estilong Pagpasa Una (PDT)
200 m Malayang-estilo Una (PDT)
200 m Paru-paro Una (PDT)
200 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
100 m Paru-paro Una
400 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
2008 Olimpikong Tag-init Beijing, Tsina 400 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
4 x 100 m Malayang-estilong Pagpasa Una (PDT)
200 m Malayang-estilo Una (PDT)
200 m Paru-paro Una (PDT)
4 x 200 m Malayang-estilong Pagpasa Una (PDT)
200 m Pangisahang Balabalaki Una (PDT)
100 m Paru-paro Una (OT)
4 x 100 m Balabalaking Pagpasa Una (PDT)

LC: mahabang takda - 50 m languyan; SC: maikling takda - 25 m languyan.

(PDT) - Pandaigdigang Tala, (OT) - Olimpikong Tala, (AT) - Amerikanong Tala

Mga tala at pagraranggo[baguhin]

Mga kasalukuyang nakahawak na tala[baguhin]

Tala Layo Kaganapan Oras Lokasyon Petsa
Pandaigdig 200 m (lc) Malayang-estilo 1:42.96 Beijing, Tsina 2008, Agosto 12
200 m (lc) Paru-paro 1:52.03 Beijing, Tsina 2008, Agosto 13
200 m (lc) Pangisahang Balabalaki 1:54.23 Beijing, Tsina 2008, Agosto 15
400 m (lc) Pangisahang Balabalaki 4:03.84 Beijing, Tsina 2008, Agosto 10
4 x 100 m (lc) Malayang-estilong Pagpasa 3:08.24 Beijing, Tsina 2008, Agosto 11
4 x 200 m (lc) Malayang-estilong Pagpasa 6:58.56 Beijing, Tsina 2008, Agosto 13
4 x 100 m (lc) Balabalaking Pagpasa 3:29.34 Beijing, Tsina 2008, Agosto 17
Amerikano 100 m (lc) Malayang-estilo 0:47.51 Beijing, Tsina 2008, Agosto 11
200 m (sc) Malayang-estilo 1:43.78 East Meadow, Bagong York, EU 2006, Pebrero 4
200 m (sc) Paru-paro 1:52.27 Melbourne, Victoria, Awstralya 2003, Nobyembre 28
200 yd Malayang-estilo 1:32.08 Austin, Texas, EU 2005, Marso 3
200 yd Paru-paro 1:39.70 Austin, Texas, EU 2006, Marso 4
400 yd Pangisahang Balabalaki 3:36.26 Austin, Texas, EU 2006, Marso 3
Nakatala sa EU 200 m (lc) Malayang-estilo 1:44.10 Omaha, Nebraska, EU 2008, Hulyo 1
200 m (lc) Himbalangay 1:54.65 Indianapolis, Indiana, EU 2007, Agosto 1
200 m (lc) Paru-paro 1:52.20 Omaha, Nebraska, EU 2008Hulyo 3
200 m (lc) Pangisahang Balabalaki 1:55.94 College Park, Maryland, EU 2003, Agosto 9
4 x 200 m (lc) Malayang-estilong Pagpasa 7:12.35 Irvine, California, EU 2005, Agosto 5
200 m (sc) Malayang-estilo 1:43.78 East Meadow, Bagong York, EU 2006, Pebrero 4
400 m (sc) Pangisahang Balabalaki 4:03.99 East Meadow, Bagong York, EU 2006, Pebrero 3
200 yd Paru-paro 1:39.70 Austin, Texas, EU 2006, Marso 4
400 yd Pangisahang Balabalaki 3:36.26 Austin, Texas, EU 2006, Marso 3

Na may 32 pandaigdigang tala (26 na pangisahan, 6 na pagpasa) sa Agosto 2008, umaabot si Phelps ang tala ni Mark Spitz ng 33 pandaigdigang tala (26 na pangisahan, 7 pagpasa). Lahat ng mga tala ay nakaayos sa isang mahabang takda ng (50 metro) languyan; mga tala na kasalukuyang nakatala ay nakadetalye sa malinaw na titik. Sa kasalukuyan, nakahawak siya ng mga pitong pandaigdigang tala.[20]

Blg. Layo Kaganapan Oras Lokasyon Petsa
1 200 m Paru-paro 1:54.92 Austin, Texas, EU 2001, Marso 30
2 200 m Paru-paro (2) 1:54.58 Fukuoka, Hapon 2001, Hulyo 24
3 400 m Pangisahang Balabalaki 4:11.09 Ft. Lauderdale, Florida, EU 2002, Agosto 15
4 4x100 m Balabalaking Pagpasa[a] 3:33.48 Yokohama, Hapon 2002, Agosto 29
5 400 m Pangisahang Balabalaki (2) 4:10.73 Indianapolis, Indiana, EU 2003, Abril 6
6 200 m Pangisahang Balabalaki 1:57.94 Santa Clara, California, EU 2003, Hunyo 29
7 200 m Paru-paro (3) 1:53.93 Barcelona, Espanya 2003, Hulyo 22
8 200 m Pangisahang Balabalaki (2) 1:57.52 Barcelona, Espanya 2003, Hulyo 24
9 100 m Paru-paro 0:51.47 Barcelona, Espanya 2003, Hulyo 25
10 200 m Pangisahang Balabalaki (3) 1:56.04 Barcelona, Espanya 2003, Hulyo 25
11 400 m Pangisahang Balabalaki (3) 4:09.09 Barcelona, Espanya 2003, Hulyo 27
12 200 m Pangisahang Balabalaki (4) 1:55.94 College Park, Maryland, EU 2003, Agosto 9
13 400 m Pangisahang Balabalaki (4) 4:08.41 Long Beach, California, EU 2004, Hulyo 7
14 400 m Pangisahang Balabalaki (5) 4:08.26 Atenas, Gresya 2004, Agosto 14
15 200 m Paru-paro (4) 1:53.80 Victoria, Kolumbiyang Britanya, Kanada 2006, Agosto 17
16 4x100 m Malayang-estilong Pagpasa[b] 3:12.46 Victoria, Kolumbiyang Britanya, Kanada 2006, Agosto 19
17 200 m Pangisahang Balabalaki (5) 1:55.84 Victoria, Kolumbiyang Britanya, Kanada 2006, Agosto 20
18 200 m Paru-paro (5) 1:53.71 Columbia, Missouri, EU 2007, Pebrero 17
19 200 m Malayang-estilo 1:43.86 Melbourne, Victoria, Awstralya 2007, Marso 27
20 200 m Paru-paro (6) 1:52.09 Melbourne, Victoria, Awstralya 2007, Marso 28
21 200 m Pangisahang Balabalaki (6) 1:54.98 Melbourne, Victoria, Awstralya 2007, Marso 29
22 4x200 m Malayang-estilong Pagpasa[c] 7:03.24 Melbourne, Victoria, Awstralya 2007, Marso 30
23 400 m Pangisahang Balabalaki (6) 4:06.22 Melbourne, Victoria, Awstralya 2007, Abril 1
24 400 m Pangisahang Balabalaki (7) 4:05.25 Omaha, Nebraska, EU 2008, Hunyo 29
25 200 m Pangisahang Balabalaki (7) 1:54.80 Omaha, Nebraska, EU 2008, Hulyo 4
26 400 m Pangisahang Balabalaki (8) 4:03.84 Beijing, Tsina 2008, Agosto 10
27 4x100 m Malayang-estilong Pagpasa (2)[d] 3:08.24 Beijing, Tsina 2008, Agosto 11
28 200 m Malayang-estilo (2) 1:42.96 Beijing, Tsina 2008, Agosto 12
29 200 m Paru-paro (7) 1:52.03 Beijing, Tsina 2008, Agosto 13
30 4x200 m Malayang-estilong Pagpasa (2)[e] 6:58.56 Beijing, Tsina 2008, Agosto 13
31 200 m Pangisahang Balabalaki (8) 1:54.23 Beijing, Tsina 2008, Agosto 15
32 4x100 m Balabalaking Pagpasa (2)[a] 3:29.34 Beijing, Tsina 2008, Agosto 17
a  kapiling sina Aaron Peirsol, Brendan Hansen, at Jason Lezak
b  kapiling sina Neil Walker, Cullen Jones, at Jason Lezak
c  kapiling sina Ryan Lochte, Klete Keller, at Peter Vanderkaay
d  kapiling sina Garrett Weber-Gale, Cullen Jones, at Jason Lezak
e  kapiling sina Ryan Lochte, Ricky Berens, at Peter Vanderkaay

Sanggunian[baguhin]

  1. Harris, Nick. "'Baltimore Bullet' has history in his sights". Baltimore Sun. 2008-08-11.
  2. Kevin Van Valkenburg (2008-08-03). "Phelps' voyage". The Baltimore Sun. pp. 1A, 16A–17A. 
  3. Paul McMullen, Amazing Pace: The Story of Olympic Champion Michael Phelps from Sydney to Athens to Beijing. New York: Rodale, Inc., 2006.
  4. Paul McMullen (2001-05-09). "Phelps marks his time Swimming: Towson High's Michael Phelps now counts a butterfly world record, as well as his participation in the 2000 Olympics, as his biggest thrills". The Baltimore Sun. http://pqasb.pqarchiver.com/baltsun/access/72658167.html?dids=72658167:72658167&FMT=ABS&FMTS=ABS:FT. Nakuha noong 2008-01-26. 
  5. Kevin Van Valkenburg (2008-05-11). "Phelps returns to attend NBAC fundraiser". The Baltimore Sun. http://www.baltimoresun.com/sports/olympics/bal-sp.phelps11may11,0,5961738.story. Nakuha noong 2008-05-26. 
  6. "Phelps's debut lives up to star-spangled expectation". NBC Sports. 2008-08-10. http://www.msnbc.msn.com/id/26115794/. 
  7. Garside, Kevin (Agosto 15 2008). "Profile: Michael Phelps - A normal guy from another planet". Telegraph.co.uk. http://www.telegraph.co.uk/news/newstopics/profiles/2559382/Profile-Michael-Phelps---A-normal-guy-from-another-planet.html. Nakuha noong Agosto 15. 
  8. Michael Sokolove, [1] Built to Swim (§19)], New York Times, Agosto 8 2004
  9. Parry, Steve (August 13 2008). "Paano naging katangi-tangi si Phelpsl?". BBC. http://www.bbc.co.uk/blogs/olympics/2008/08/can_anyone_spoil_phelps_pool_p.html. Nakuha noong August 15. 
  10. Paul McMullen, Measure of a Swimmer, Baltimore Sun, 9 March 2004
  11. "Michael Phelps is now the top Olympian of all time. Here's what it takes". The Guardian. http://www.guardian.co.uk/sport/2008/aug/14/michaelphelps.swimming1. Nakuha noong 2008-08-16. 
  12. Allan Maki (2008-08-15). "Phelps deals with doping questions". The Globe and Mail. http://www.theglobeandmail.com/servlet/story/RTGAM.20080815.wolym-doping-15/BNStory/beijing2008. Nakuha noong 2008-08-17. 
  13. http://www.nytimes.com/2008/08/16/sports/olympics/16doping.html?_r=1&scp=5&sq=michael%20phelps%20doping&st=cse&oref=login
  14. "Golden Goggles Nominees". http://www.goldengoggles.com/. Nakuha noong 2008-08-16. 
  15. "USOC Athletes of the Year". http://teamusa.org/content/index/874. Nakuha noong 2008-08-16. 
  16. "Michael Phelp: (sic) Biography of world's best swimmer". http://www.buzzle.com/editorials/8-27-2004-58516.asp. Nakuha noong 2008-08-16. 
  17. "Michael Phelps Biography". http://www.tv.com/michael-phelps/person/302631/biography.html. Nakuha noong 2008-08-16. 
  18. "Ika-7 Pandaigdigang Kampeonato ng FINA - 25 m Indianapolis 2004". http://www.fina.org/events/SW/SWC(25 m)/Indianapolis_2004/results/pdf/Results_2004_World_Short_Course_25m_Indianapolis.pdf. Nakuha noong 2007-07-24. 
  19. "Montreal 2005 Results". http://www.fina.org/events/WC/Montreal_2005/results/sw.php. Nakuha noong 2007-06-09. 
  20. Celizic, Mike. "Phelps officially world's greatest athlete ever". MSNBC News. 2008-08-15

Mga panlabas na kawing[baguhin]