Pumunta sa nilalaman

Palitan ng Magallanes

Mga koordinado: 14°32′25.54″N 121°1′0.74″E / 14.5404278°N 121.0168722°E / 14.5404278; 121.0168722
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Palitan ng Magallanes
(Magallanes Interchange)
Palitan ng Magallanes noong Setyembre 2008
Lokasyon
Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Mga koordinado14°32′25.54″N 121°1′0.74″E / 14.5404278°N 121.0168722°E / 14.5404278; 121.0168722
Mga lansangan sa
daanan
Konstruksiyon
UriKalahating palitang turbina na may apat na antas
Nabuksan1975 (1975)
Pinangangasiwaan ngKagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan

Ang Palitan ng Magallanes (Ingles: Magallanes Interchange) ay isang kalahating palitang turbina sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nagsisilbing sangandaan ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) at South Luzon Expressway (SLEx).[1] Ito ay isa ring palitan sa pagitan ng dalawang linya ng daambakal sa Kamaynilaan: ang MRT-3 na nasa ibabaw ng EDSA at PNR Metro Commuter na nasa tabi ng SLEX. Kasalukuyan itong pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH).

Pagkaraan ng panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos sa paglikha ng Sistemang Arteryal ng mga Daan ng Kalakhang Maynila noong 1969, pinahaba ang EDSA (na dating nagtatapos sa Abenida Taft) patungong Bulebar Roxas. Kinailangang magtayo ng isang palitan sa pagitan ng SLEX at EDSA. Natapos ang pagtatayo nito at binuksan sa mga motorista noong 1975. Kasalukuyang isa ito sa mga pinaka-abalang sangandaan sa Kamaynilaan.

Sa kasamaang palad, hindi sapat ang pagdidisenyo ng palitan, at noong 2010, natuklasan na may mga pagtagas ng mga tubo sa ilalim ng palitan. Pansamantalang isinara ng MMDA ang mga linyang labas (outer lanes) nito. Binuksan muli ang mga ito noong 2011.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]