Pan-Philippine Highway

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pan-Philippine Highway
Maharlika Highway
Impormasyon sa ruta
Haba: 3,517 km (2,185 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte
Dulo sa Timog Lungsod ng Zamboanga
Sistema ng mga daan

Mga pangunahing daanan sa Pilipinas

Ang Pan-Philippine Highway, na kilala rin bilang Maharlika Highway (AH26 AH26) ay isang pinag-ugnay na kalsada, tulay at mga serbisyo ng barko na umaabot sa 3,517 km (2,185 mi) ang haba na kumokonekta sa mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao sa Pilipinas, na sumeserbisyo sa pangunahing gulugod ng transportasyon.

Sa lungsod ng Laoag ang hilagang dulo ng daanan at sa Lungsod ng Zamboanga ang timog na dulo.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Iprenesenta ang daanan noong 1965 ng mga tagaplano mula sa pamahalaan na naniniwala na magpapasigla sa agrikultural na produksiyon at magpapababa sa gastos sa transportasyon, magaanyaya sa panlipunan at pang-ekonomiya na pagbabago sa labas ng pangunahing sentrong urban, at magpapalawak ng industriyal na produksiyon para sa domestiko at dayuhang pamilihan. Sinusuportahan ito ng pautang para sa pamahalaan at tulong mula sa institusyong dayuhan, tulad na lamang ng Pandaidigang Bangko. Nang matapos ang proyektong ito, sinasabing isa ito sa mga pangunahing naabot ng bansa sa sektor ng transportasyon.

Inayos muli ang daanan at pinaunlad noong 1997 mula sa tulong ng pamahalaan ng Hapon, at matapos ang proyektong ito, tinawag rin itong Philippine-Japan Friendship Highway.

Noong 1998, nagdesigna ang Kagawaran ng Turismo ng 35 seksiyon sa daanan bilang "Scenic Highways" na may pinaunlad na amenidad para sa mga manlalakbay at mga turista.

Ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Asian Highway Network[baguhin | baguhin ang batayan]

Disenigna ang Pan-Philippine Highway bilang AH26 AH26 sa Asian Highway Network, isang proyektong kooperatiba na naghahanap ng pagbabago sa sistema at istandard ng mga daanan sa kontinente ng Asya. Ito ang kasalukuyang daanan sa ugnay na hindi nakakonekta sa ibang mga daanan sa ugnayan — nakakonekta ang mga seksiyon ng Asian Highway Network sa Hapon (AH1 AH1), Sri Lanka (AH43 AH43) at Indonesia (AH2 AH2) sa kontinente sa pamamagitan ng barko papuntang Timog Korea (AH1 AH1), India (Dhanushkodi), at Singapore.

Tignan Din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

.