Templo sa Herusalem

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Templo sa Herusalem o Banal na Templo (pangalang Hebreo: בית המקדש, Bet haMikdash, "Ang Banal na Bahay"), ay tumutukoy sa sunud-sunod o serye ng mga kayariang nasa ibabaw ng Bundok ng Templo (Har haBayit) sa loob ng lumang lungsod ng Herusalem. Batay sa kasaysayan, dalawang mga templo ang naitayo sa lokasyong ito, at ang templo sa hinaharap na nakalarawan sa eskatolohiyang Hudyo. Ayon sa klasikong paniniwalang Hudyo, ang Templo (o ang Templong Bundok ang gumaganap bilang sumasagisag na "bangkitong patungan ng paa" ng pag-iral o presensiya ng Diyos (Ebreo: שכינה, shekhina) sa mundong pisikal.

Batay sa paliwanag ni Jose C. Abriol, sinimulan ang templo noong 20 hanggang 19 BK na nagtapos noong 62 hanggang 64 AD. Naganap ang hula ni Hesus na mawawasak ang templo noong 70 AD. Ninais at sinubok pabulaanan ni Julian Apostata ang hulang ito ni Hesus sa pamamagitan ng muling pagtatayo ng templo, ngunit mayroong apoy na lumabas mula sa lupa at nagiba ng isang lindol ang lahat ng mga nagawa na.[1]

Mga serbisyong pansakripisyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Tanakh, sinabi ng Diyos sa mga Israelitang ipagtayo siya ng mga ito ng isang templo at doon Siya sambahin ng mga ito, sapagkat ito ang pook kung saan inaalay ng mga pari ang mga sakripisyo para sa Kaniya. Sa Bagong Tipan ng Bibliya ng Kristyanismo, ipinaliwanag na hindi isang gusali ang "bagong templo"; sa halip, ang mismong mga tao ang pinaka-Templo ng Diyos sapagkat nabubuhay sa loob ng mga tao ang Espiritu Santo ng Diyos.[2] Ngayong wala na ang Templo sa Herusalen, sanhi ng pagwasak nito ng mga Romano, sa Hudaismo ang mga sakripisyo ay napalitan na ng mga dasal—na maaaring ialay saaanman at ninuman.[3][4]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Abriol, Jose C.. (2000). "". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., talababa bilang 24, 1-2, pahina 1469.
  2. The Committee on Bible Translation. (1984). "Temple". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B12.
  3. Siddur Koren. 2009. Koren: Herusalen.
  4. http://www.chiefrabbi.org/UploadedFiles/thoughts/acharei5766.pdf



HudaismoBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.