Pumunta sa nilalaman

Totoong Simbahan ni Hesus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Totoo Hesus Simbahan)

Ang Totoong Simbahan ni Hesus (真耶穌教會) ay isang sangay ng Simbahang Pentekostal. Ayon sa mga kasapi nito, ito ay isang “nondenominational” na simbahan. Naitatag ang sangay na ito sa Beijing, Tsina noong 1917. Sa kasalukuyan ang pinuno ng TJC International Assembly ay si Yun-Ji Lin (林永基傳道). Tinatayang (gayumpaman ay walang matibay na batayan ang bilang na ito) 1.5 milyon ang tagasunod ng grupong ito sa iba’t ibang panig ng mundo.

Limang Pangunahing Doktrina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Espiritu Santo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Ang pagtanggap sa Banal na Espiritu ay nararapat para makapasok sa kaharian ng langit at ito ang ebidensiya sa pagsasalita ng ibang wika. Nangangahulugang ang kaisahan ng anak sa Diyos. Ang Banal na Espiritu ay tumutulong at tagapawi ng kalungkutan kung ang isang tao ay maglalakbay sa langit."

"Ang bawtismo sa tubig ay nararapat sa pag-alis ng kasalanan at pagbabagong buhay. ito'y ginagawa sa isang natural na buhay na tubig at sinasabi sa pangalan ni Jesus para makompleto ang isang bawtisado kung saan ang mukha ay nakatungo tulad ng kamatayan ni Jesus."

Paghuhugas ng Paa bilang sakramento ᜉᜄ᜔ᜑᜓᜑᜓᜄᜐ᜔ ᜅ᜔ ᜉᜀ ᜊᜒᜎᜅ᜔ ᜐᜃ᜔ᜍᜋᜒᜈ᜔ᜆᜓ

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Ang sakramento ng paghuhugas ng paa ay nararapat dahil sa parte ito ng Panginoon. Dito itinuturo ang kabanalan, pagkakaisa, serbisyo at pagpapatawad. ito ay ginagawa ni Jesus sa mga bagong bawtisadong miyembro."

Banal na Komunyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Ang Banal na Komunyon ay isang sakramento na nagpapaalala sa kamatayan ng Panginoong Jesus. Ito ay nararapat nating gawin dahil sa ito ay ang kanyang dugo at laman para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan at mabuhay namaguli sa huling araw. Ang sakramentong ito ay dapat isakatuparan sa pamamagitan ng mga tinapay na walang lebadura at katas ng ubas ang dapat na gamitin."

Araw ng sabbath/shabat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

"Ang Araw ng Sabat ay ang ikapitong araw ng linggo (Sabado), ito ay banal na araw, basbas ng ating Diyos na lumikha. Ito ay ginagawa sa pag-alaala ng paglikha at salbasyon ng ating Diyos, upang tayo ay may pag-asang mabuhay ng walang hanggan sa mga araw na darating."

Artikulo ng Pananampalataya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Taong 1980 ng nadagdagan ang kanilang paniniwala ng lima pang artikulo. Lamanin ng mga naidagdag ang mga sumusunod

  • "Si Hesukristo ang Salitang nagkatawang-tao. Namatay siya sa krus para sa kaligtasan ng mga makasalanan. Nabuhay siya muli sa pangatlong araw at umakyat sa langit. Siya lamang ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, Tagapaglikha ng langit at lupa, at ang kaisa-isang totoong Diyos."
  • "Ang Banal na Bibliya na nabubuo ng Luma at Bagong Tipan ay binigyan ng inspirasyon ng Diyos. Ito ang kaisa-isang kasulatan ng katotohanan at basehan ng Kristyanong pamumuhay."
  • "Ang kaligtasan ay ibibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng paniniwala. Ang mga naniniwala ay umaasa sa Banal na Espiritu para sa pagsusumikap na maging banal, sa pagbibigay-galang sa Diyos, at sa pagmamahal sa sangkatauhan."
  • Ang Totoong Simbahan ni Jesus ay itinatag ni Hesukristo mismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo noong panahon ng "latter rain". Ito ay naibalik noong Apostolikong kapanahunan.
  • "Ang Pangalwang Pagdarating ng Diyos ay mangyayari sa Huling Araw kung saan bababa siya sa langit upang husgahan ang daigdig: ang mabuti ay makakatamo ng buhay magpakailanman, habang ang masama ay mapaparusahan magpakailanman."

Iba Pang Paniniwala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Hindi nagdiriwang ang organisasyong ito ng Pasko. Ayon sa kanila ito ay nauugnay sa isang paganong ritwal.
  • Hindi rin nagtitika ang mga kasapi ng organisasyong ito tuwing Biyernes Santo, pagkat ayon sa kanila ito rin ay hango sa paganong ritwal o paniniwala.

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.