Pumunta sa nilalaman

Vicarius Filii Dei

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Vicarius Filii Dei ay ang titulong pinaniwalaang isa sa mga opisyal na titulo ng Papa sa Roma. Ito'y nakapaloob sa Donasyon ni Constantine, isang pekeng dokumento na inimbento noong 750-850 AD. Bagama't napatunayang hindi naging titulo ng papa sa Roma,[1] ilang sektang Protestante, Iglesia ni Cristo, Sabadista at Ang Dating Daan ang gumagamit sa titulong ito upang patunayan na ang papa sa Roma ang Halimaw na tintukoy sa Apocalipsis 13:18 dahil ang titulong ito'y may katumbas na 666.

Sinasabing ang titulong ito ay nakaukit sa tiara ng papa bagaman walang ebidensiya na larawan na maipakita upang patunayan ang akusasyong ito.

Pinagmulan ng Vicarius Filii Dei

Ang kauna unahang instansiya ng Vicarius Filii Dei ay nakasulat sa Donasyon ni Constantine. Si Emperador Constantine ay nabuhay noong ikatatlo hanggang ikaapat na siglo. Ang mga eksperto ay naniniwalang ang dokumentong ito ay hindi isinulat noong panahon ni Constantine kundi sa pagitan ng ikawalo hanggang ikasiyam na siglo.

It et cuncto populo Romanae gloriae imperij subiacenti, ut sicut in terris vicarius filii Dei esse videtur constitutus etiam et pontifices, ...[2][3]

Ang Donasyon ni Constantine ay sinasabi ng mga eksperto na isang pekeng dokumento dahil may mga salitang binanggit dito gaya ng salitang "fief" na hindi pa iniimbento noong kapanuhanan ni Emperador Constantine.[4]

Reperensiya

  1. http://www.newadvent.org/library/almanac_thisrock92.htm
  2. http://www.thelatinlibrary.com/donation.html
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-07. Nakuha noong 2011-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Toulmin, Stephen; Goodfield, June (1982). The Dicovery of Time (ika-Phoenix (na) edisyon). Chicago: University of Chicago Press. pp. 104–106. ISBN 0-226-80842-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.