Ylona Garcia
Nangangailangan po ng karagdagang sanggunian ang talambuhay na ito para masiguro po ang katotohanan nito. (Enero 2023)
Malaking tulong po kung mapapabuti niyo po ito sa pamamagitan po ng pagdagdag ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad pong tatanggalin ang mga impormasyong walang kaakibat na sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni, lalo na po kung mapanirang-puri po ito. Binigay na dahilan: wala |
Ylona Garcia | |
---|---|
Kapanganakan | Ylona Jade Garcia[fn 1] 28 Pebrero 2002 |
Nasyonalidad | Pilipino, Australyano |
Edukasyon | Angelicum College |
Trabaho | |
Aktibong taon | 2015–kasalukuyan |
Ahente | Star Magic (2015–2019) |
Kilala sa | Pinoy Big Brother: 737 On the Wings of Love We Love OPM: Oh My Girls ASAP (variety show) |
Karera sa musika | |
Genre | |
Instrumento | |
Taong aktibo | 2015–kasalukuyan |
Label | Star Music (2016–kasalukuyan) |
Si Ylona Jade Garcia[fn 1], higit na kilala bilang Ylona Garcia (ipinanganak 28 Pebrero 2002) ay isang aktres at mang-aawit sa Pilipinas. Sya ay ipinanganak at lumaki sa Sydney, Australya sa parehong Pilipinong mga magulang na sina Peter Garcia at Caridad Navalle-Garcia. Nakilala si Garcia matapos nyang sumali sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga housemates nito noong Hunyo 2015. Si Ylona ay binigyan ng bansag na "Daldal Darling ng Australia" sa naturang palabas at itinanghal na Second Teen Big Placer sa pagtatapos nito.
Matapos ang paglabas nya sa Pinoy Big Brother ay naging sunod-sunod na rin ang paglabas ni Garcia sa iba pang mga programa ng ABS-CBN gaya ng It's Showtime, kung saan napanood silang magtanghal ng kanyang ka-loveteam at malapit na kaibigan na si Bailey May. Nakilala din si Garcia matapos niyang maging parte ng teleseryeng, On the Wings of Love na pinagbidahan nila James Reid at Nadine Lustre. Si Garcia ay kasalukuyang mapapanood sa ASAP.
Ang paunang album ni Garcia ay pinamagatang My Name Is Ylona Garcia na inilunsad kasabay ng kanyang Digital Concert noong Hulyo ng 2016. Inilabas ito sa digital (iTunes at Spotify) at pisikal na porma sa ilalim ng Star Music.
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Year | Title | Role(s) | Type of Role | Network |
---|---|---|---|---|
2015 | Pinoy Big Brother: 737 | Kanyang sarili | Housemate/ 2nd Teen Big Placer | |
Trending:Love | Sophie Mendoza | Main Role in PBB Short Film Task | ||
2015–kasalukuyan | ASAP | Kanyang sarili | Performer/ Member of ASAP BFF's and ASAP G! | |
2015 | It's Showtime | Kanyang sarili | Guest/ Performer | |
2015–2016 | On the Wings of Love | Audrey Olivar | Extended cast | |
2016 | Myx | Kanyang sarili | Celebrity VJ | |
We Love OPM | Kanyang sarili | Member of Oh My Girls | ||
2018 | Sana Dalawa ang Puso | Tadhana Tabayoyong | ||
2019 | Coke Studio PH: My Feels | Host | ||
Myx | Herself | VJ |
Mga nota
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.